Huminto kami sa paghahalikan at isinandal lang ang noo sa isa’t isa habang tinutuyo ang mga natitirang luha. “We’re okay now, right?” tanong niya kalaunan kaya naman tumangango ako. Mapaglarong ngumisi si Jio sa akin at hinila ako sa kung saan. Sinilip niya muna ang mga magulang namin na nasa sala at saka dinala ako sa likod ng bahay nila. “Hoy! Saan tayo pupunta?” nagtataka kong usisa sa kaniya habang hawak pa rin ang kamay ko. “Shhh,” sagot niya lang sa akin na nakalagay ang hintuturo si bibig. Nakakita ako ng pintuan at pumasok kami roon. Daan pala iyon papunta sa kabilang parte ng bahay nila na malapit sa hagdanan papuntang second floor. Napailing na lang ako dahil sa inaasta niya. “Bakit dito pa tayo dumaan kung puwede naman sa sala?” medyo pabulong kong tanong dahil sa maingat

