"Shine!!! Wake up!"
Sino bang istorbo na maingay at nanggigising sa mahimbing kong tulog? Jeez!
"Hoy! Bruhilda! Babangon ka d'yan o baka gusto mong tawagan ko pa si Harry---"
Pagkarinig ko sa pangalan niya mabilis akong bumalikwas sa higaan at tiningnan ang tao na nasa harapan ko.
"Nasaan si Harry?? Bumalik ba sya??? Okay na raw ba kami??? Kami na ulit??" tanong ko kay Akira.
"Gaga!” sabi ni Akira sabay batok sa akin. “Feelingera ka rin, ano? 'Di pa kasi ako tapos. Harry Potter kako ang tatawagan ko! Nang magising ka na. Baklang tow!" pang-iinis niya pa. Napakamot na lang ako sa ulo.
Siraulo talaga 'tong si Kira.
"Alam mo? Ang corny mo, bakit ba ang aga-aga nambubwisit kang babae ka?"
"Wala lang," ngumisi siya. "'Di ba gagala tayo? Sabi mo sasamahan mo 'ko mag-shopping eh! Tayo ka na, bilis! Maghilamos ka na para hindi halata ‘yang pamamaga ng mata mo. Ang chaka mo, eh," asar niya sa akin habang hinihila ako paalis ng higaan.
"Oo na. Tsk. Epalogs ka talaga sa tulog ko kahit kailan." Tamad akong tumayo at inismiran na lang siya. ‘Wag sabing magbiro sa bagong gising, eh."
Nginitian lang niya ako sabay peace sign. Pumasok na agad ako sa banyo pagkalayas niya.
I'm Shine Nicole Camerron, 22 years old. Pagurang na pero hindi ako mataray or whatsoever. Gano’n lang talaga kami ng best friend ko mag-usap.
Anyway, si Akira Katzuki ay best friend ko since elementary. Filipino/Japanese siya while me Filipino na masipag lang from outer space.
"Babae, bilisan mo na!" sigaw niya sa akin.
"Heto na nga, oh!" sabi ko pagkatapos mag-ayos.
"Kupad-kupad, bessy! Wala na! Umuwi na lahat ng gwapong nilalang sa mall!!!" With iyak effect pa ‘yan.
"OA ka nang bakla ka, ah! Sobra ka na. Dadalhin na kita sa mental mamaya!" banta ko sa kaniya.
"FYI babae ako, sis ‘wag kang ano. Oh, siya tara na! Keribels na itech!" saad niya at hinila lang ako paalis ng kwarto.
Hay, naku! Ito talagang babaeng to may pagka-alien na hindi mo maintindihan.
At mall...
"Bessy. 'Di ba gusto mo na maka move on?" tanong niya habang paikot-ikot lang kami sa mall. Hindi ko alam kung saan ang balak nito pumunta, 30 minutes na kami rito wala pa rin siyang mapili.
"Move off gusto ko." Sana mapansin niyang sarcastic.
"Ha?" Oh, 'di ba ang slow. ‘Di ko na lang siya pinansin.
Naglakad-lakad lang kami sa mall. Syempre boy hunting ang bet baka sakaling makalimot.
Maganda ako inaamin ko yan pero kahit naman may naghahabol at nangungulit na manligaw wala akong gusto ni isa. Bakit? Kasi---
"PETMALUNG MALULUPET NA TINAMAAN NG KIDLAT!!" Napapikit ako dahil sa gulat.
Nang imulat ko ang mga mata pansin ko na pinagtitinginan na pala ako dahil sa pagsigaw ko.
Sheeeet. Nakalimutan ko nasa mall pala kami. Bwisit talaga ‘tong taong 'to.
Sino ba namang hindi maiinis kung binangga ka at halatang sinadya! At ano ang naging itsura ko?
Napadapa lang naman ako at mas nakakahiya na pinagtitinginan din ako dahil do’n!
Ano pang mas malala? Dinaganan ako ng hinayupak.
Nang tingnan ko ang taong nasa harap ilalim ko.
Meeern! Ang wafu niya!
'Yung malalalim niyang brown eyes.
Makapal na kilay.
Pointed nose.
Those kissable lips.
Tapos ang puti pa niya--- sh*t bakit ko pinagnanasaan 'tong hinayupak na namahiya sa akin?
"Done memorizing my face?" Excuse ko na lang dahil ako talaga yung namangha sa mukha niya.
Tumikhim ako.
Bigla siyang tumayo. Pero ang bango ng hininga niya, ah.
Pati siya mabango.
Wait.
Sandali.
Shine, anong nangyayari sayo?
Nagulat na lang ako nang bigla akong tapikin ni Kira.
Umalis na pala 'yong lalaking nakabunggo sa akin, hindi ko man lang narinig ang sinabi niya kung nagsalita man siya.
"Oy! Bessy, natulala ka na r'yan."
"Ha?"
"Anyare sayo? Okay ka lang? Gwapo ng dinaganan mo, ah. Sinadya mo ‘no?" naniningkit niyang wika sa’kin.
"Ano? Wala. Tara na," yaya ko na lang sa kaniya para hindi na dumami ang sasabihin niya.
"Okay?" hindi naniniwala niyang turan.
Hindi ko na lang pinahalata kay Akira ang nangyayari sa akin dahil paniguradong magtatanong na naman ito ng napakarami hanggang sa isipin na gusto ko ang lalaking ‘yon.
Bakit ko ba siya pinangungunahan?
Hays, basta gano’n sya.
'Guilty or denial' sabi ng isip ko.
Epal ‘no? Pati isip ko kinakausap ko na.
Tiningnan ko ulit ung lalaki na bumangga sa akin. Palabas na ata ng mall.
Parang may kakaiba sa kanya kanina. Ewan basta ‘yon. Gulo ko.
Naglakad-lakad lang kami then kumain at nag-shopping. Nakakapagod kahit wala namang pogi
Naku, except dun sa lalaki kanina.
STOP!
WUT?
Ano na naman ba itong iniisip ko. Abnormal na ata ako, eh.
Gabi na nang makauwi kami ni Akira kaya pagkatapos ko mag half bath ay hinagis ko ang sarili mo sa kama.
"Ay! Kabayo!"
Ipipikit ko na sana ang mata ko kaso biglang tumunog ang cellphone ko. Panira naman ‘tong tumatawag, inaantok na ako, eh.
Unknown number? Sino naman kaya ‘to?
"Hello?"
Wala namang sumasagot. Ano kaya 'yon?
"Hello?"
Nagtitimpi na lang ako sa taong 'to, ah.
"Hello?? Hindi ka ba magsa--"
"I like you." Biglang pinatay ng kabilang linya ang tawag.
Ano raw? Tiningnan ko ang cellphone ko at ang number ng tumawag. Hindi pamilyar.
Isa na naman ba ‘yon sa stalker ko?
Yes, ang yabang mo, Shine batukan kaya kita.
Baka naman pinagtitripan lang ako ni Kira?
Pero imposible, eh.
Lalaki yung boses.
Well, pwede naman niyang baguhin 'yung boses niya.
Kaso masyadong babae ang boses niya para mag-ala lalaki.
Ay, ewan makatulog na nga lang.
Ilang oras akong nakatingala sa ceiling pero hindi pa rin bumabagsak ang talukap ng mga mata ko.
Waaaaah! Hindi ako makatulog! Ilang beses ko na sinubukan kaso wa epek, eh.
Ano ba kasi nangyayari sa akin?
Bakit ba kasi ayaw pa ako lubayan ng boses na narinig ko sa phone kanina?
Bigla kong naramdaman na nag-vibrate ang cellphone ko.
"Sleepwell, my love. Goodnight!" text ng unknown number.
"What the f--"
My love?! Sino na naman itong hinayupak na to.
I checked the number. And it's the same person who called me a while ago.
I mean yesterday kasi umaga na.
At oo wala akong tulog, hindi ko rin alam kung bakit.
Bahala na nga! Makapaghanda na lang sa klase mamaya. Bahala na talaga kung mukha akong zombie, hays!
"Ma! Alis na po ako!" paalam ko at tumayo na sa lamesa.
"Bakit ang itim ng ilalim ng mata mo, ‘nak? Hindi ka ba natulog kakanood ng K-drama mo?" Kung alam mo lang, Ma. Mas gusto ko pang manood ng K-drama magdamag kaysa isipin kung sino ang tumawag kagabi.
"I love you, Ma!" sigaw ko na lang.
She tsked and didn't asked me again.
"Sige mag-iingat ka, Shine, ah. I love you too, ‘nak," saad niya nang nakasilip galing kusina kaya kumaway ako sa kaniya.
Lumabas na ako sa bahay at sumakay na rin sa jeep.
Almost 1 hour din kasi ang byahe ko kaya maaga akong umaalis. At kahit wala akong tulog ngayon, kailangan ko pa ring pumasok.
Maaga rin naman ako pinapaalis ni mama kaya walang problema.
Kaso hindi ko naman inaasahan nang sumakay ako sa jeep, something will happen.