Napasigaw ang mga tao sa jeep pagkasakay ko. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa mga pinaggagawa ko. Kanina rin pagkalabas ko ay muntik na akong mahagip ng motor. Katangahan ko ata ang papatay sa akin. Kulang pa ata ako sa tulog at nadulas ako pagkasakay ko. Dapat kasi hindi ko na binasa ang mga message kagabi para payapa ang utak ko ngayon. Ang sakit pa ng pwet ko, mamsh. Katangahan ko talaga kung saan-saan na lang nakakarating. Nakakahiya tuloy kasi pinagtitinginan ako ng mga pasahero. Nagpipigil pa sila ng tawa. Nahiya pa kayo sana nilakasan niyo na lang. Buti tinulungan ako ni Kuya na malapit sa likod para makasakay nang maayos. Buong byahe ay parang gusto ko na lang lumubog sa kahihiyan. Mabuti na lang ay hindi na ako ulit pinagtitinginan katulad kanina. Kas

