Nang maisarado ko ang pinto ay mabilis na nanghina ang mga tuhod ko. Patay na ang ilaw dahil anong oras na rin kaya paniguradong tulog na si Mama. Bahagya kong tinampal ang sarili. Hindi tayo pwede mahulog nang dahil sa isang halik lang. Maaga akong pumasok sa trabaho dahil hindi ako masyadong makatulog. Nakapasok na ako sa company na parang pakiramdam ko ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Nasa tapat na ako ng elevator at naghihintay na bumukas ito nang marinig ko ang mga bulungan sa gilid ko. “Siya ‘yon ‘di ba? ‘Yong kasama ni Sir Zaggi kagabi? Balita ko, hinihintay raw talaga siya kagabi sa tapat tapos tinanggihan niya raw si Sir dahil sa lalaking kasama niya kahapon na mukhang boyfriend niya,” sabi nito habang pasulyap-sulyap sa akin. Nagulat ako dahil sa pagkakaalam ko ay walang tao

