Maaga akong nakarating sa opisina dahil ngayong araw ang launching ng bagong perfume. Bandang alas syete ng umaga ay bumaba ako para tingnan ang venue sa labas. Nakapamulsa akong tumayo sa bandang entrance ng company at saka sila inobserbahan. Naisip naming apat na sa labas na lang gawin ang event dahil ito ang matagal naming pinaghandaan nang mahigit dalawang taon at ang dahilan kung bakit namin naipatayo ang Divine Company. Nakakatawa mang isipin pero pare-parehas kami ng dahilan kung bakit napakahalaga sa amin nito. Pag-ibig ang naging pundasyon para mas lalo kaming magkaroon ng lakas ng loob na tapusin ang perfume. Nakita ko si Shine na tumutulong sa pagkakabit ng mga disenyo. Lumapit naman ang mga kaibigan ko na mga kararating lang. Napaka-aga talaga ng mga ‘to lagi. “Wassup, pr

