13: NARRATOR

2159 Words

Nang makababa sa stage ay todo ang asar ng tatlo kay Daniel. “Hoy! Siya na ba?” may ngisi na tanong ni Jio sa kaibigan. Ngumiti lang ito nang malapad na pinaningkitan lang ng tatlo. “So siya nga?? Siya ‘yong Yellow Dressed Girl na sinasabi mo?” pangungulit ni Ezekiel na parang chismoso. Tumango lang si Daniel at hindi maitago ang muling pagsulyap sa babaeng naka-dilaw na gown sa hindi kalayuan. “Pvta, may pa-raven, charger, spiderman ka pang nalalaman tapos hindi ka rin pala makakilos,” umiiling na sabi ni Tanner. Medyo gulat pa ang mukha. Kumunot naman ang noo ni Daniel dahil sa pinagsasabi ni Tanner. “Bobo, Maven, Connector, and Salesman ‘yon, g@go,” sabi nito sabay alis para puntahan ang dalagang sumagot sa sinabi niya kanina. “Bobo na nga, na-gago pa. Kota ka, kupal,” ani Tanner.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD