Dumating na ang araw ng linggo. Alas kwatro ng umaga sila nagkita-kita para maaga silang makarating sa Puerto Galera. Gumamit ng tatlong bus ang lahat ng employee sa kumpaniya nila Jio. Samantalang silang apat naman ay sumakay sa sariling mga sasakyan. Muntik pang malate si Shine dahil sa kakaisip ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Hindi kasi siya tinitigilan ni Jio at kung saan siya mapunta ay lagi niyang nakikita kahit anino nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin o iasta sa harap ng binata. “Niiiiics!!!” malakas na sigaw sa kaniya ni Akira nang makarating ito. “Ang ingay mo ke aga-aga,” sabi nito nang makalapit. “Ang tagal mo kasi, 'te! Ikaw na lang ata ang hinihintay,” aniya at isinukbit ang kamay sa braso ng kaibigan. “Oo nga, nagpuyat ka na naman ba kakan

