Matapos nilang maglaro ay nauna nang umalis si Akira at Shine para puntahan si Scarlet. Magmo-movie marathon sila magdamag to catch up in each other’s life. Ang dami nilang nasayang na panahon pero naging way iyon for them to grow individually. Kasalukuyan silang nasa hotel room nina Akira at Shine. Nakalatag ang mga chips and beer cans sa coffee table sa harap ng TV. They are watching a hollywood horror movie, at halos punuin ang kwarto nila ng mga sigawan at tawanan. “Hindi naman nakakatakot, eh, mas nakakagulat pa nga,” Scarlet said in a scrunched face. Maya-maya naman ay ginulat siya ni Shine at halos magpintig ang tainga nila dahil sa sigaw nito. “Hindi pala nakakatakot, ah,” sabi ni Akira habang tawa sila nang tawa. Hinabol naman niya ang dalawa at pinagbabato ito ng mga unan na

