Ilang buwan na rin ang lumipas matapos ang bakasyon nila sa White Beach Resort. Mas lalong naging busy ang kumpanya ni Jio dahil sa pagtaas ng sales nila para sa Expresso Perfume. Nagkaroon din ng press conference sila Jio dahil sa malaking success para sa kanilang product. Walang araw na hindi tumataas ang kita nila. Naging maayos din ang takbo ng relasyon nila Jio sa loob ng pitong buwan. Araw-araw ay lagi silang magkasama. May pagkakataon na nasa condo ni Jio si Shine o kaya ay pumupunta sa bahay ni Shine si Jio. Ngunit sa tagal nila ay wala pang nangyayari sa kanila. Except being busy in work, Jio respects Shine. They always ‘getting there’ but not really doing ‘it’ as Jio always say, “I know you’re not ready, yet. And I want you to graduate first dahil baka hindi ko mapigilan ang

