Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga pagkakataon na ito. Palipat-lipat lang ang tingin ko kay Jio at sa babaeng lumapit sa amin. Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Jio. Marami akong tanong pero ayaw bumuka ng mga bibig ko. Unti-unting sumisikip ang dibdib ko kaya napaatras ako at napahiwalay ng hawak kay Jio. Kita ko ang takot at pangamba na may halong gulat sa mga mata niya pero blangko ang utak ko dahil sa biglaang nangyayari. Gusto ko siyang magpaliwanag pero tila pinapangunahan ako ng takot ko kaya naglakad ako paalis ng mall nang walang sinasabi. Ilang beses niya akong tinawag pero hindi ako lumingon. Ang lakad ko ay nagsimulang maging takbo. Gusto kong lumayo at mag-isip dahil baka nananaginip lang ako. Kung panaginip lang ‘to, gusto ko nang magising. Tulo

