Bumuntong-hininga si Harry bago ako tinanguan. Hindi ko inaakala na kay Harry ako hihingi ng tulong. Hindi rin sumagi sa isip ko na mag-uusap pa kami. Simula nang araw na iyon ay nagkulong lang ako sa kwarto at hindi ko sinasagot ang mga tawag ni Jio sa akin. Pumunta rin siya sa bahay pero sinabi ko kay Mama na huwag sabihin na nandito ako. Naalala ko pa na parang mas anak kung ituring ni Mama si Jio nang makita niya itong muli. Tuwang-tuwa siya nang malaman niya na nagkita na kami ulit. Matutuwa pa ba siya kapag sinabi kong may pamilya na si Jio? Kinakausap din ako nila Mama pero wala akong masabing sagot sa kanila. Tumawag si Akira at Scarlet pero hindi ko rin sila makausap nang maayos. Para akong nabablangko sa bawat araw na dumaraan. Kasalukuyan akong nag-aayos ngayon sa kwarto d

