10 years ago… Maraming bata ang naglalaro sa playgound. Ngunit umaangat ang kagwapuhan ng isang binatilyo na nasa tabi ng puno at nagbabasa. May hawak na bulaklak ang batang babae habang dumuduyan malapit dito at panay ang tingin sa kaniya. Ilang sandali pa ay tumayo na ang batang babae at dahan-dahang iniangat ang kamay na may hawak na piraso ng bulaklak sa binatilyo. “Kuya, para sa inyo po,” nakangiting sabi ng batang babae. Nag-angat ng tingin ang binatilyo sa batang babae at nginitian ito sabay abot sa bulaklak. “Salamat,” wika ng binatilyo. “Kuya,” nahihiyang tawag ng batang babae na medyo nauutal pa. Tiningnan lang siya ng binatilyo at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. “May girlfriend ka na po ba?” mahina ngunit buong tapang na sagot ng batang babae. “Ha?” takang ta

