KELLY JOANNE “Saan ang masakit? Dito ba?” tanong niya sa akin na para bang ang lambing ng boses niya. “Opo,” wala sa sarili na sagot ko sa kanya at nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. He kissed my hair. Hindi ko talaga inaasahan na gagawin niya ito. Ang halikan ako sa buhok ko sa kung saan ang masakit. Sabay haplos sa buhok ko. Hindi ko alam pero bakit bigla naman bumilis ang t*bok ng puso ko. “Lunch time na pala kaya kumain na tayo,” sabi niya sa akin at tumayo na siya para makalayo sa akin. Nakita ko rin na niluwagan niya ang necktie niya. Ako naman itong nandito pa rin dahil parang hindi ko na alam kung paano ako lalabas dito. Hanggang sa nakita ko ang kamay ni ninong. Kaya naman inabot ko ito at hinayaan ko siya na tulungan ako. Nang tuluyan akong nakatayo ay kaagad kong binawi

