KELLY JOANNE Nang palabas na ako sa supermarket ay nagulat ako dahil nasa harapan ko na siya ngayon. Nasa harapan ko ang daddy ko. “D–Daddy,” nauutal na sambit ko dahil nandito siya ngayon sa harapan ko at may kasama siyang babae. At sa tingin ko ay ito ang sinasabi niya kanina kay daddy ninong. Gusto kong lumapit sa kanya para yakapin siya pero hindi ko ginawa. Sa totoo lang kasi ay miss na miss ko na ang daddy ko. May pumipigil sa akin na gawin ito dahil alam ko na galit pa rin siya sa . Seryoso ang mukha niya at wala namang halos nagbago. Siguro dahil hindi naman siya stress. Ako lang naman yata ang stress ng buhay niya. At ng mawala ako ay mas naging okay siya, nagagawa niya na ang lahat ng nais niya. “Okay na ba sa ‘yo na ganyan ang buhay mo?” tanong niya sa akin na walang kahi

