KELLY JOANNE
“May bayad,” sagot niya sa akin.
“Ano naman po?” tanong ko sa kanya.
“Kailangan mong sumama sa akin, may pupuntahan kasi akong auction at kailangan ko ng kasama,” sagot niya sa akin.
“Nandoon po ba si daddy?” tanong ko agad sa kanya dahil iyon ang main concern ko.
“Wala,” mabilis naman na sagot niya sa akin.
“Kailan po ba ‘yon? Kailan po ang ang auction?”
“Sa saturday,” sagot niya sa akin.
“Wala po akong dam–”
“Ako na ang bahala sa bagay na ‘yan,” sagot niya sa akin.
“Okay po, sasamahan po kita,” sagot ko sa kanya.
“Okay, pero ‘wag mong sabihin kay Mavie,” sabi niya.
“Wala rin po akong balak na sabihin sa kanya,” sabi ko sa kanya kaya nagmaneho na siya at wala na akong narinig na kahit na ano mula sa kanya.
Kung ito ang gusto niyang kapalit ay walang problema sa akin. Basta wala lang doon si daddy. Kasi naman kapag nandoon ito ay baka makilala niya ako. Mabuti na lang at wala ito. Sure naman ako na hindi ako isasama ni daddy ninong na nandoon ito. Thankful lang talaga ako dahil kung hindi niya pinayagan si ate na mapunta sa akin ay baka wala ako ngayon sa tabi niya.
Pagdating namin sa trabaho ay ako na ang unang pumasok sa loob. Hindi ko na siya hinintay pa para hindi kami pag-usapan ng mga tao rito. Mabuti na walang alam ang iba dahil baka sila pa ang mismong magsumbong sa daddy ko. Nang dumaan sa harap ko si ninong ay binati ko siya na para bang hindi kami magkasama kanina.
Mabilis rin akong pumunta sa pantry para magtimpla ng coffee niya. Kumatok na muna ako bago ako pumasok. Inilapag ko ang coffee niya sa table niya. Lumabas rin naman ako agad dahil wala naman siyang ibang utos sa akin.
Ginawa ko na lang ang trabaho ko. Nakaupo lang ako dito nang may bigla na lang dumating.
“Excuse me, Ma’am,” pigil ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin pero nakataas ang isa niyang kilay.
“Why?”
“Do you have an appointment?” tanong ko sa kanya.
“Kailangan ko pa ba ‘yon? I’m his girlfriend kaya hindi ko na kailangan pa ng–”
“Wait lang po, itatanong ko po muna kay Sir,” sabi ko sa kanya.
“What? Tigilan mo nga ako! Bago ka lang dito kaya hindi mo ako kilala. Kung ako sa ‘yo magtatrabaho na lang ako bago pa kita alisin sa trabaho mo,” sabi niya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.
“At sino ka naman para magsabi niyan?” tanong ko sa kanya pero nakangiti pa rin ako sa kanya.
“I’m doing my job kaya wala kang karapatan na alisin ako sa trabaho ko. Hindi ikaw ang boss ko kaya maghintay ka dito at itatanong ko muna sa boss ko kung kilala ka ba niya o hindi,” sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na siya para puntahan ang boss ko.
“Excuse me, Sir. May nagpakilala na babae sa labas, girlfriend mo daw po,” sabi ko sa kanya.
“Who?”
“Hindi ko alam,” sagot ko sa kanya.
“Maganda ba?”
“Hindi,” sagot ko sa kanya kaya nagulat ako dahil bigla na lang siyang tumawa.
“Ano po ang nakakatawa, Sir?”
“She’s not my girlfriend. Wala pa akong naging girlfriend na pangit,” sabi niya at naging seryoso na naman ang mukha niya. Bilis talagang magbago ng mood ng isang ito.
“Okay, papaalisin ko na lang siya,” sabi ko sa kanya.
“Okay, sabihin mo na busy ako at hindi ako interesado sa kung anong paninda na gusto niyang ilako,” sabi niya sa akin.
“Okay, sasabihin ko,” sagot ko sa kaniya at lumabas na ako.
Nakita ko na naiinip na ang babae dito sa labas. Pero dito talaga ako sa may pinto tumayo para sa akin pa rin siya dadaan. Sa tingin ko ay isa ito sa mga manliligaw ni daddy ninong. Iba na talaga ang panahon dahil babae na ang nanliligaw sa lalaki.
“Padaanin mo na ako,” sabi niya sa akin.
“Hindi puwede, hindi ka raw niya kilala,” sabi ko sa kanya.
“Anong hindi niya ako kilala. Noong nakaraang linggo lang kami nags*x na dalawa,” sabi niya sa akin.
“Nakaraan pa pala eh, kaya pala hindi ka na niya matandaan,” nakangisi na sabi ko sa kanya.
“Padaanin mo ako para matandaan niya ako–”
“Umalis ka na bago pa ako tumawag ng security. Sayang naman ang pang malakasan mong outfit kung kakaladkarin ka lang,” sabi ko sa kanya.
“You w*tch!”
“Yes, I am,” nakangiti na sabi ko sa kanya at tinawagan ko na ang security para paalisin siya.
“Babalik ako dito, sa tingin mo mapapalayas mo ako ganito. Isusumbong kita sa daddy ko at lagot ka sa kaniya,” pinagbantaan pa ako.
“Pakisabi rin sa daddy mo, lagot siya sa daddy ninong ko,” nakangisi na sabi ko sa kanya at hindi ko na pinapunta ang security dahil kusa na siyang umalis.
Bumalik na lang ako sa trabaho ko at hindi ko alam pero good mood ako dahil sa babaeng ‘yon. Hindi ko alam na ganun pala ang mga tipo ng ninong ko. Hindi ko nga alam kung totoo ba talaga na nags*x sila. Pero kung totoo man ay bahala sila. Hindi ko na dapat iniisip ang tungkol sa bagay na ‘yon.
Tinapos ko na lang ang trabaho ko ngayong umaga para wala na akong maiwan na trabaho mamaya. Gusto ko rin kasi umuwi agad para ako na ang magluluto ng dinner namin. Hangga’t kaya ko ay gusto ko na tulungan si ate dahil alam ko na hindi madali ang mag-alaga sa anak ko.
Kumain ako ng lunch sa cafeteria dahil nalaman ko na may free lunch pala ako lagi, laking tipid na rin naman at hindi na ako mahihirapan pa na magbaon o mag-isip ng uulamin ko.
After ko kumain ay bumalik sa trabaho ko. Kaunti na lang dahil tinapos ko na ilan kanina. Kaya ngayon ay hindi na ako nagmamadali. Ewan ko ba pero feeling ko inaantok ako pero pilit ko pa rin itong nilalabanan.
“Hey, are you okay?” narinig ko na tanong sa akin ni ninong.
“I’m okay, daddy ninong,” sagot ko sa kanya pero pipikit na talaga ako.
“Hey! Kelly!”
“I’m sorry, daddy ninong pero parang hindi ko talaga kaya na pigilan ang an—bakit mo a–”