KELLY JOANNE
Nagising ako na nakahiga na sa hindi pamilyar na lugar. Bigla akong na takot dahil ang huling naalala ko ay kausap ko pa si daddy ninong kanina. Kaya naman mabilis akong bumangon at hinanap ko ang bag ko pero wala dito. Natatakot ako dahil wala akong idea kung nasaan ba ako. Tumingin ako sa oras at alas singko na. Mabilis akong lumabas at nagulat ako sa bumungad sa akin.
Si daddy ninong na topless at may suot na apron. Nagluluto siya? Oo nagluluto nga siya at mukhang tapos na siya. Maaga pala kaming umalis sa office. At paano niya ako nadala dito? Binuhat
“Gising ka na pala, okay ka na ba?” tanong niya sa akin.
“Ano po ang nangyari? Paano po ako nakarating dito?” tanong ko sa kanya.
“Hindi mo ba naaalala?” tanong niya sa akin at seryoso ang mukha niya.
“Ang alam ko po ay inaantok po ako kanina–”
“So, ano ba ang ginagawa ng taong inaantok?” tanong niya pa sa akin na para bang inaasar ako na hindi ko rin malaman.
“Natutulog po,” sagot ko sa kaniya.
“Alam mo naman pala tapos itatanong mo kung ano ang nangyari. Mukha bang may gagawin pa akong iba sa ‘yo? At isa pa hindi naman kayang maglakad ng taong tulog kaya malamang siguro binuhat kita,” masungit na sabi niya sa akin.
“Wala po, sorry po. Uuwi na po ako, hinihintay na po ako ng anak ko,” sabi ko sa kaniya.
“Kumain ka muna bago ka umuwi,” sabi niya sa akin.
“Sa bahay na lang po ako kakain–”
Nagulat ako dahil bigla na lang siya lumapit sa akin at hinila niya ako bigla. Kaya napakapit ako sa matipuno niyang dibdib. Ang bilis rin ng t*bok ng puso ko dahil sa ginawa niya.
“Kapag sinabi ko na kumain ka ay kumain ka muna. Pinakaayaw ko sa lahat ay ang tinatanggihan ako, Kelly,” sabi niya sa akin habang seryoso ang gwapo niyang mukha.
“Daddy ninong, kasi ‘yong anak ko–”
“May kasama naman siya kaya hindi mo kailangan na mag-alala. Kumain ka na at ihahatid kita pagkatapos. At kung ayaw mo talaga ay babawiin ko si Lin sa ‘yo,” sabi niya sa akin at halatang hindi siya nagbibiro.
“O–Okay po,” sabi ko na lang sa kanya dahil ayaw ko naman na walang magbantay sa anak ko. Magpapaliwanag na lang ako kay ate mamaya kung bakit ako late.
Nagulat pa ako dahil bigla niya akong binuhat at pinaupo niya ako sa upuan. Siya naman ay inalis ang suot niyang apron at nagsuot siya ng sando. Umiwas ako ng tingin dahil ang gwapo niya. Nakakainis na talaga siya bakit ba para lang siyang bata pa. Mas gwapo pa kaysa sa mga ka-edad ko. Bampira yata ang isang ito.
“Baka matunaw na talaga ako sa kakatitig mo,” sabi niya sa akin.
“Daddy ninong, bampira ka po ba?” tanong ko sa kanya.
“Kung bampira ako ay kanina pa sana kita kinagat,” sabi niya sa akin.
“Hindi ka kasi tumatanda. Kahit pa ilang taon kitang hindi nakita ay mukha ka pa ring bata,” sabi ko sa kanya.
“Hindi ko alam kung magugustuhan mo ba ang niluto ko,” sabi niya sa akin at hindi na pinansin ang sinabi ko.
“Mukha naman pong masarap,” sabi ko rin sa kaniya dahil iyon naman talaga ang nakikita ko.
“Kasing sarap ko,” sabi niya kaya natigilan ako sa sinabi niya.
Bakit feeling ko nagbibiro siya? Pero bakit ang seryoso na naman ng mukha niya?
“Daddy Ninong, joke po ba ‘yon?” tanong ko sa kaniya.
“Ang alin?”
“Ang sinabi mo,” sagot ko sa kaniya.
“Na kasing sarap ko ang luto ko?”
“Opo,” sagot ko sa kaniya.
“Mukha ba akong hindi masarap?”
“Po?”
“Nevermind,” sabi niya.
“Hindi naman po kita natikman kaya hindi ko masasabi kung masarap ka. At isa pa, hindi ka naman puwedeng tikman,” natatawa na sabi ko sa kanya dahil nagbibiro pala siya kaya naisip ko na magbiro na lang rin sa kaniya.
“Puwede mo naman akong tikman kung gusto mo. Kaya lang hindi ako libre eh, malaki ang kapalit kapag ako tinikman mo,” sabi niya sa akin.
“Daddy ninong, nagbibiro lang ako ha. Saka ninong kita kaya–”
“Hindi ako nagbibiro,” sabi niya sa akin.
“Kumain na lang po tayo,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
Kumain na ako pero siya itong nakatingin lang sa akin kaya nahihirapan akong lunukin ang pagkain na nasa bibig ko.
“Hindi ka po ba kakain?”
“May iba akong gustong tikman,” sagot niya sa akin.
“Ano naman po?” tanong ko sa kanya pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong hinalikan sa labi.
Nakadikit ngayon ang labi niya sa labi ko. Nakadilat ang mga mata ko at hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Hanggang sa nagulat kaming dalawa dahil may bigla na lang nag-doorbell. Kaya mabilis ko siyang tinulak.
“Daddy ninong, may tao sa labas,” kinakabahan na sabi ko sa kanya.
“Stay here, titingnan ko lang kung sino,” sabi niya sa akin pero ayaw ko na may ibang makakita sa akin at mabilis akong pumasok sa loob ng room niya at pumasok ako sa loob ng closet niya. Sa tingin ko kasi ay ito ang pinaka-safe na mapagtataguan ko.
“Daddy, sino po ang kasama mo dito? May babae ka na ba?” narinig ko ang boses ni Mavie.
“Wala akong kasama,” sagot ni ninong.
“Oh, really? You’re lying, dad. May dalawang plate tapos wala,” sabi ng kaibigan ko.
“Umalis na siya. May kasama ako kanina,” sabi ni daddy ninong.
“Kaya ba hindi ka uuwi sa bahay ngayon? Dahil busy ka sa kanya?”
“Uuwi ako mamaya, ililigpit ko lang kasi ang mga pinagkainan namin. Lumabas ka na dito,” sabi pa ni daddy ninong.
“Hindi ako naniniwala na wala na siya dito. Baka tinago mo lang siya para hindi ko makita. Gusto ko siyang makilala, gusto kong mag-hi sa bago mong babae,” sabi pa ng kaibigan ko kaya grabe na ang kaba na nararamdaman ko ngayon.
“Mavie, wala na siya. Umalis na siya,” sabi ni daddy ninong.
“Gawin mo lang ang gusto mong gawin, dad. Hayaan mo akong hanapin ang babae mo dito. Ako na bahalang maghanap sa kanya, para naman makapag-usap kaming dalawa. Hindi ko na kailangan ng mommy kaya kung ako sa kanya ay lalabas na siya at aalis na dahil hindi ako payag na magkaroon ka pa ng asawa. Hahayaan kitang maglaro pero ang magdala ng babae dito sa condo mo at sa bahay ay ayaw ko,” sabi ng kaibigan ko.
“O baka naman nandito siya sa closet mo? Tinatago mo lang siya–”