Chapter 40 Dalawang araw na ang nakalilipas at unti-unti na ngang bumabalik ang status ng firm sa dati. Hindi naman iyon ganoon kadali, magsisimula ulit sa simula nag lahat. Madalas na ring pumunta si Mr. Hugh sa building para bisitahin kaming mga empleyado niya at i-check na rin ang status ng kompanya. Madalang niya rin akong isama sa mga business meeting at ako ang pinapa-present niya, kaya naman hindi talaga maiwasan na mainggit ang iba kong mga kasama sa akin dahil doon. Nalaman ko iyon dahil kay Joana na siyang palaging nagsusumbong sa akin ng mga nangyayari kapag wala ako sa firm building at kapag kasama ko si Mr. Hugh. Kesyo dahil daw sa akin ay naging successful ulit ang firm ay lumaki na raw ang ulo ko at kung sino-sino na raw ako. hindi naman ako ganoon, sadyang inimbento l

