Chapter 39 MAAGA akong nagising kinabukasan. Nagmadali pa akong pumunta sa banyo para maligo. Hindi ko alam kung ano ang uunahin, ramdam ko ang pagkahilo ko. marahil sa halos ilang araw kong kulang sa tulog. Kailangan ko na talagang hindi mag-over work at baka sa hospital na naman ang bagsak ko. ayaw ko rin naman na magalit sa akin si Nido kung sakaling magkita man kaming dalawa sa langit. Siguradong sesermunan ako no’n at pagagalitan kung bakit inaabuso ko ang aking katawan at lakas. Pero hindi naman ako ganoon, alam ko na alam ni Nido na ginagawa ko ang lahat nang ito para sa kinabukasan ko at sa mga pangarap kong gustong matupad noon pa man. Huminga ako nang malalim saka tinitigan ko ang aking sarili salamin. Hindi ko na makita roon kung saan an ang isang Haona Gabriel. Hindi ko n

