Malakas ang alon ng dagat.
"Hold on Ayla!" babala saakin ng isang batang lalaki
Nasa isang bangka kami. Hindi ko na magawang marinig ang mga sinasabi nya,napapapikit na rin ako sa hampas ng dagat,nakakainom narin ako ng tubig dagat,nahihigop na ng mga ilong ko ang mga tubig. Nalulunod ako!
"AYLA!" sigaw ng batang lalaki.
Napamulat bigla ang mga mata ko, malalalim ang mga hininga ko, at napatingin sa paligid. Si mama na mahimbing na natutulog ang nasa tabi ko.
Isang bangongot.
Isang bangongot na nakakatakot.
Napabangon ako. Bigla nalang akong naiyak sa takot, para akong mamatay sa panaginip ko. Parang totoo iyon.
Sa sobrang takot ko na bumalik muli sa pagkatulog,lumabas ako ng kwarto,kahit alam kong sobrang lamig ng mga oras na iyon. Buti nalang makapal itong panlamig ko.
Pumunta akong kusina. Upang mag timpla ng kape. Bukas nalang ako matutulog sa byahe.
"Bakit gising ka pa!" napatalon ako sa gulat.
"s**t," bulong ko sapagkat halos mabanlian na ko ng mainit na tubig habang nag lalagay nito sa baso. "Binangongot ako." sagot ko at sabay deretso sa dining table upang doon kumain ng biscuit na dala ko.
Si Maverick iyon,na nagkakape rin.
"Hmm? Bakit? Ano ba napanaginipan mo?," napaangat ako ng tingin sakanya,should I tell him? No!
Hindi nalang ako sumagot.
"E ikaw? Bakit gising ka pa?" I asked him instead.
"Sagutin mo muna ang tanong ko bago ikaw-,"
"Huwag nalang tayo mag usap," putol ko sa sinasabi niya,habang naghahalo ng kape.
Narinig kung bumuntong hininga siya at lumapit sa lamesa,nilapag ang tasa. Napaangat ako ng maramdaman kong ang lapit niya sakin,kumunot ang noo ko.
"Lumayo ka." walang emosyon kong utos.
Ngunit tinitigan niya lang ako,tila ba may kung anong binabasa sa mga mata ko.
Nag iwas akong tingin. Hindi ako makapaniwalang ako ang unang umiwas ng tingin. f**k. Baka kasi may kung anong mabasa siya sa mata ko. Malaman niya pa kung ano ako!
"Bakit ba Maverick?" iritado kong sabi sakanya.
"Sabi na eh!" nanlaki ang mata ko. Anong ibig sabihin niya?
Kinabahan ako bigla. Anong ibig sabihin niya sa sinabing iyon? Alam niya ba? Pansin niya ba?
Unti unti akong lumingon sakanya.
"May gusto ka kay Liza!" What the f**k? "LESBIAN KA!"
Isang ring ng cellphone ang nagpagising saakin. Ano iyon? Isang panaginip sa isa pang panaginip?!
"Kanina pa nag riring yan," saad ni mama.
Nasa byahe pa pala kami pauwi. Napatingin ako sa likod. Andyan natutulog rin si Maverick habang may headphones. Sa may bandang dulo. Sila Liza,may hawak na mga cellphone.
"Bakit biglang bumagal yung wifi? Nag a upload ako ng mga pictures. My Gad!" maarte nitong reklamo.
Bumuntong hininga ako at kinuha ang cellphone na nagri ring.
[Bly]
"O bakit Justine?"
[Don't forget,tommorrow, sa school]
"Yeah."
Call ended.
Kinakailangan namin magtungo sa University of Makati para makuha yung schedule namin sa darating na pasukan.
Dahil malayo pa ang byahe,puro stop over kami sa bawat gas station na madadaanan namin.
Itong stop over na ito last na. Para ito sa hapunan,pagod na pagod na ko, banas na banas na ko sa mga kasama ko. Ang tagal tagal naming makauwi! Puro pagkain ang nasa utak nila. UWING UWI NA KO!
Habang kumakain kami,napatigil ako bigla at naalala ko,paano ko nga pala isasali yung sweatshirt? Hindi naman pwedeng ibigay ko iyon ngayon,e hindi ko pa iyon nalalabhan.
At saka, andito rin ba sila? Napalinga linga tuloy ako sa paligid.
"Sinu hinahanap mo anak?" tanong iyon ni mama
"W-wala ma, h-hinahanap ko lang yung cr," sagot ko.
Fuck! Bat ako nauutal?
Tumigil ako sa paghahanap at kumain nalang,I think wala sila rito. Kung mayaman ako hindi ako kakain ng dinner sa mga fast food chain,sa restaurant ako. Dahil nga... mayaman ako.
Natapos ang gabing iyon na puro nguya ng mga natirang biscuit at chichirya ang mga narinig ko,ang pagka-estimate ko,around 5pm dapat kami makakauwi. Tangina mag aalas-dyis na,nasa kalsada parin kami.
Maaga pa naman ako bukas.
Napapapikit ako sa sobrang inis.
"Pwede ba hindi kita maintindihan, magtagalog ka!" sabi ko
"I said, I want you to be my friend,"
"Fwend? Ano?," napakamot kong ulong sabi.
"You," turo niya sakin. "Me," turo niya sa sarili niya. "Friends,"
"Ah. Ikaw at ako?"
"Yea. Friends," tuwa nitong saad
"Fwends? Ano yung fwends?" nagtaka ko kasi bigla nalang siyang napaupo sa buhangin.
"Oh my gash. I need an interpreter!"
"Alam mo para kang alien, ano ba lengwahe mo? Andito ka sa pilipinas,hindi ka marunong magtagalog,"
"By the way,my name is..."
Naputol iyon ng marinig ko ang alarm ko.
"Gising na Blyth Layla,pupunta kang school ngayon diba!"
So,ayon naligo,nagbihis ako ng usually kong mga kasoutan,hindi crop top sleeveless etc. Na magmumukhang babae. Mabilis lang ako mag ayos,hindi na kailangan mag kolerete,wala rin naman ako nun.
White t shirt na nakatak in sa light blue ripped jeans ko,then black rubber shoes. Ready-ing ready ko papuntang school!
Pagkarating ko sa school,sumalubong sakin sina Justine at JM.
"O bakit nalate ka ata?" salubong sakin ng dalawa kong kaibigan,sabay pinagbungo ng mga kamao namin,bilang pagbati.
"Bakit? Nagre release na ba?" habang papasok sa gate kong tanong.
"Hindi namin alam,hinihintay ka namin e," sagot ni Joanna Marie. A.k.a. JM.
Pinagpala naman ang pangalan ni Justine, hindi masyadong girly ang pangalan niya,hindi katulad ng pangalan namin ni JM, babaeng babae.
Magkakaibigan kami since highschool, komportable akong kasama sila dahil lesbian rin sila katulad ko. Kami yung type na boyish lang ang dating,hayaan nalang namin sila husgahan kami,at isipin kung ano talaga kami.
Ngunit kagaya ng sitwasyon ko,habulin din sila ng mga lalaki. Lalong lalo na si Justine,ang tangos ng ilong iyan, hinahangaan ng lahat. Si JM naman makinis kasi iyan,dati naikwento niya muntik muntikan na siyang ma-r**e.
"Balak ko na talaga mag pa undercut, para tumigil na yung hinayupak na nanliligaw sakin," iritadong sabi ni Justine.
Nagtawanan kami ni JM.
"Makatawa kayo, 'kala ninyo wala kayong manliligaw!" duro samin ni Justine.
"Ang ganda mo raw masyado!" asar ni JM
"Tangina. Pogi ako!" pasigaw nitong sabi. "Ako pinakapogi sating tatlo,"
"I disagree," saad ko.
"Hindi ako makakapayag!" dagdag ni JM. "E mas marami nga kong babae sainyo e,"
"Kapal mo JM. f**k you!" hindi na ko nakasunod sa usapan nila,dahil napatigil ako,napatitig ako sa dumaan sa harap namin.
Anong ginagawa nila dito?