"IT'S BLY OK?!" inis na sigaw ko sakanya habang nasa banyo nagpapalit.
"Oh? Bakit hindi mo iyan sinabi kay Mommy?," sigaw nya rin sakin. Aba!
Binilisan ko ang pagpapalit at lumabas ng banyo. Pag labas ko ni-head to toe nya ulit ako.
"Asawa po iyon ng boss ni Mama e. It's rude to tell her that," sagot ko sakanya,habang humahakbang ako papuntang pinto
"E ano ako?," turo nya sa sarili nya habang sumusunod sakin. Binuksan ko iyong pinto,ngunit hinarang nya ang kanang kamay nya para hindi ko iyon mabuksan.
Hinarap ko siya. Nang hahamon e.
"How about me? I'm the son,my father is your mom's boss," inilapit nya mukha nya habang sinasabi iyon. Itinulak ko sya sa inis.
"Pakielam ko sayo," taas noo kong sagot.
"Oh that's rude young lady. Dapat ginagalang mo ako," he tilted his head.
"Bakit kita gagalangin? Mang kasing edad lang naman tayo,"
"Hey. I'm 2 years older than you," nagulat ako roon. Ang akala ko mag kakasing edad kami. Iyon pala mas matanda sya!
"I'm twenty," sabi ko.
"Twenty two," he cross his arm. "Now woman. You should respect me,"
"Ok," tango tango ko. Napagtanto kong,I do not really have any respect. Ok fine. "Should I call you. Kuya?,"
"Kuya?,"
"Sir?"
"That's not what I mean-,"
"Or Manong? Mamili ka!," sabay bukas ko ng pinto at labas dito.
"What the f**k?," narinig ko na ang mga yabag nya.
I need to find the elevator. Saan ba iyon? I need to get away from him!
"HOY BABAE!," sigaw nito,kaya naman napabilis ang lakad ko.
"Where's the f*****g elevator?," tanong ko sa sarili ko,ng may biglang humablot sakin.
"Stupid. Dead end na iyan!," hila niya saakin papunta kung saan yung elevator. Parang kanina lang wala ito ah?
Pumasok kami sa elevator ng hindi nya binibitawan ang kamay ko. Pinindot nya ang 2nd floor.
"Bitawan mo ko!" pero parang wala siyang narinig. "Bitawan mo ko sabi! Nakatingin sila!" sabay bawi ko ng kamay ko.
"There. Iyan pa sila," malawak na ngiti ng kanyang ina.
Lahat sila ready na kumain,tila ba kami nalang ang hinihintay.
"Where have you been. Grandson," at sabay nilapitan nya ang kanyang lolo upang humalik.
"I was in my room. Lolo," sagot nito
"With this girl?" kinabahan agad ako,at napalunok,mukha kasing seryoso ito.
"Yeah. She was wet with her clothes so I lent her my extra sweatshirt," walang pag aalinlangan nitong pag amin.
Rinig ko ang bawat bulungan ng mga kababaihan. Sa mga mata palang nila parang pumapatay na. Tingin palang nila alam ko ng pinagpaplanohan na nilang i-savage ako. As if naman. Hindi ko aagawin itong higanteng prince charming nyo. Kung alam nyo lang...
"Lolo. This is Blyth Layla Vergara," nanlaki ng kaunti ang mga mata ko. Bukod sa alam niya ang full name ko,bat niya pa ko pinakilala?
"Oh. The daughter of Bryna Vergara?" at angat ng tingin nito saakin. Tumango at ngumiti naman ako
Ngumiti din siya.
"Yup lolo," sagot ni Killian
"She's Killian's childhood friend," saad ni congressman Reeztucker habang naghihiwa ng steak.
"Oh," sabay tango tango sakin ng lolo niya. "Sit down and let's eat," at hinanap ko si Mama,kumaway naman siya at tinuro and katabing upuan dali dali naman akong pupunta na.
"Hatid na kita," bulong nya at hawak ng braso ko
"H-hindi na!," dahan dahan kong alis ng hawak nya. Tangina. Hindi nya ba napapansin? Nakatingin silang lahat sa kilos namin. Pota hindi na ko magtataka kung hindi ako makakabalik ng bahay ng buhay.
Hindi pa ako nakakarating sa upuan na para saakin. Naririnig ko na mga bulungan nila.
"Anu naman kayang ginawa niya sa kwarto ni Killian?,"
"Sigurado akong nag pacute siya kay Killian,"
"That's right. Alam mo naman iyang si Killian mabait,"
Hindi ko na iyon pinansin walang nag sasalita sa table namin, sila Maverick and company ang nandun,ang ibang girls nasa kabila pa. Mabuti nga at hindi narinig ni Mama ang mga pinagsasabi nila sakin.
Matapos namin kumain. Dumiretso na ako ng cr upang mag hugas ng kamay. Habang nag huhugas ako ng kamay dumating ang tatlong bibe.
"Ganda ka na nyan?"nakataas kilay na sambit ni Liza. Kahit hindi nya sabihin alam kong ako ang tinutukoy nya.
"May isang ambisosyang frog dito ang nag pacute kay Killian," habang nareretouch na pagpaparinig ni Joanne
Matapos kong maisara ang gripo,pinagpag ko ang kamay ko para matalsikan sila ng tubig
"Oh my God!"
"My God Ayla,"
"Bly!" pag tatama ko,at walk out. Ngunit humarang si Isabel,at humarang na silang lahat.
"Were not yet done miss ambisosya,"
"Tumabi kayo," taas noo kong sabi.
"Ang angas mo ah!,"mataray na sambit ni Liza,ang taray talaga,kung hindi kalang maganda.
"Porket pinakilala ka ni Killian sa lolo niya,ganyan kana umasta? Bakit anong plano mo? Paibigin si Killian-,"
"PWEDE BA?! Tumigil nga kayo,hindi ito istorya sa isang libro, wala akong plano,at saka paki ko sa Killian nyo,inyong inyo na. Saksak nyo pa sa baga nyo,"
"HOW DARE YO-,"
"Hoy!Hoy!Hoy! Anu iyan," napatigil silang tatlo,napatingin sa likuran at nakita ko iyong tatlong ugok.
"Magsama sama nga kayo!," Tumaray silang tatlo at umalis
"She's baduy,hindi siya bagay kay Killian. God!," pag iinarte ni Liza.
"Ang bastos talaga ng babaeng iyan. Bweset!"
"Arrogant," usal pa nung isa.
Nakaalis na sila pero rinig na rinig ko pa rin ang mga bulu bulungan nila.
"Anong ginawa nila sayo?," pagtatanong ni Maverick.
"Bakit hindi mo sila tanungin" siga kong sagot. "Tabi nga," ngunit bago pa ako makalabas hinablot nya na ko. "Ano bang ginagawa mo,"
"Bakit ba ganyan ka?,"
"Pakielam mo? Mind your own business," pilit na bawi ko sa braso ko ngunit ayaw nya akong bitawan.
"Alam mo maganda ka sana,sama lang ng ugali mo!," sa sobrang inis nagawa ko ring makawala sakanya at iwan sila roon sa banyo.
Oo na. Isipin nyo na ang gusto ninyong isipin. Mas mabuti iyon,mas mabuting iba ang maging pagkakakilala nyo sakin. Tatangapin ko.