CHAPTER 2

817 Words
1 month later Xyna's POV "Xyna Shane Hipolito? Tao po?" napatayo ako sa kinauupuan ko ng may marinig akong tumatawag sa harap ng gate namin. Pumunta agad ako sa gate para malaman kung sino yun. "Yes po? Ako po yun. Ano pong sadya nila?" tanong ko kay manong. "Mail Delivery po." sabay abot sakin ng sobre na may tatak ng Hubert University. Mukhang eto na yung result nung scholarship test na tinake ko. Kinuha ko agad yung sobre. "Okay. Maraming salamat po." pumasok nako sa bahay at umupo para tingnan ang sobre. "Hubert University." basa ko bago ko ito tuluyang buksan. Kinakabahan ako shet. Lord, sana po pasado huhu. Dahan dahan kong nilabas yung papel sa loon ng sobre. "Ano yan, nak?" "Ay, tae ng kabayo! Ma naman, bigla bigla ka nalang sumusulpot." si mama talaga kahit kailan. "E sorry naman anak ko. Pero ano nga ba yang hawak mo?" tanong nya habang lumapit din sakin para tingnan ang hawak ko. "Galing po ito sa Hubert University, ma. Mukhang eto na nga yung results nung scholarship test na tinake ko last month." paliwanag ko kay mama. "Oh e ano pang hinihintay mo dyan? Tingnan mona. Panigurado din namang pasado ka dyan. Ikaw paba?" pagpapalakas nya ng loob ko. Huminga muna ako ng malalim at tuluyan ng tiningnan yung papel. Congratulations! You passed the scholarship test. Kindly come to us on Thursday (May 23) at exactly 10 am to get your free 1 pair of uniform. Welcome to Hubert University! "Ma, nakapasa po ako!" Lumingon sakin si mama. "Oh diba sabi ko naman sayo papasa ka?" ibinaba ni mama yung mga hawak nyang labahan. "Teka, tawagan natin ang papa mo. Naku, paniguradong matutuwa yun." kinuha nya ang cellphone nya sa kanyang bulsa at tinawagan si papa. [Oh mahal, napatawag ka?] dinig kong sagot ni papa sa cellphone. "May good news sayo itong si Xyna." huminto si mama at binigay sakin yung cellphone. "Oh, ikaw na ang magsabi sa papa mo at maglalaba pako. Congrats anak." Inabot ko naman ang cellphone. "Sige po. Salamat, ma." tumango lang sya at bumalik sa paglalaba. "Hello, pa?" [Oh, anak? Ano daw yung good news na sasabihin mo sakin?] sagot ni papa sa phone. "Nakapasa po ako sa scholarship test pa. Sa Hubert University po ako mag aaral ng college." [Talaga, anak? Congrats, nak! Sobrang proud na proud si papa sayo. Pag bubutihan pa namin ni mama mo ang pagkayod para mapagtapos kayo ni kuya mo sa pag aaral.] "Pag bubutihan ko rin po sa pag aaral ko, pa." [Oh sya na't babalik nako sa trabaho. Pagkauwi ko bukas bibili ako ng lechong manok dyan sa kanto. Magse celebrate tayo.] "Sige po, pa. Ingat po kayo dyan." [Salamat anak, i love you.] "I love you too, pa." Call ended. Kinakabahan ako na naeexcite. Lord, thank you po. ****************************************** Ezekiel's POV "Water break muna." I said in the middle of our game. I'm currently with the boys right now. Playing basketball dito sa court ng village. Cedric approached me while I'm drinking at my tumbler. "Time flies so fast no? Parang kailan lang bakasyon pa. Tapos few weeks from now start nanaman ng another school year." I sighed. "Yeah right, bro. But for me, maganda na yun. Mas gusto ko na yung araw araw wala sa bahay. Tsaka para narin makakita ako ng mga ibang mukha naman. Paulit ulit na mukha ng mga katulong namin yung nakikita ko sa bahay e." "Para makakita nga ba ng ibang mukha? O para makabiktima ulit ng panibago?" sabat netong si Asher. I chuckled. "Shut up bro." "Anong course pala kukunin nyo this school year?" Benedict asked. "Hmm, maybe about Medicine? Surgeon? Doctor? I still don't know." Chester said while raising his shoulders. "How 'bout you, guys?" he asked and looked at me. "I'll take Civil Engineering." I casually said. Benedict suddenly raised his hands. "Hep hep! We all know the rule, right?" "Wherever the captain is, we are there too." they said simultaneously. "Seriously, guys? What kind of rule is that?" I said while laughing softly. "So you mean, kahit na yung career ko e career nyo rin?" "YES, CAPTAIN!" they answered. I shook my head while smiling. "Okay, If that's what you want then go." "NICEE!!" I chuckled at their reaction. Somehow, I'm happy that I have them in my life. "By the way, I think it's time to go home na. Magtatakip silim na e." Chester said. "Anong sabi mo? Ililibre tayo ni Ezi ng samgy sa bahay nila? G ako dyan!" siraulo talaga tong si Cedric kahit kailan. "Talaga ba, captain? Oh tara na sa bahay nila Ezi. Nagugutom na rin ako." pakikisakay naman ni Asher. Natawa nalang ako sa kanila. "Alright, let's go to our house and eat samgyupsal. I'm hungry too." "YOOWNN!" ingay ng mga to. Pero masaya naman kasama. We headed our way to our house to eat. -TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD