CHAPTER 3

909 Words
Ezekiel's POV Tingining! Tingining! Tingining! I woke up and turn off my alarm clock. "Ahhhh.." I yawned while stretching my arms. Today's our 1st day of school. Tumayo nako para maligo. Pagkatapos ko maligo, lumabas ako sa banyo with a towel wrapped around my waist. I'm in the middle of getting dressed when I heard my phone rang. I took it and look the screen to see who's calling. It's Asher. I answered the call. "Sup, bro?" [Yo, bro. Are you getting ready?] "Yep." [Okay. Siguro daanan kana namin.] I chuckled. "Huwag na. Pare pareho naman tayong naka sasakyan. Maybe I'll just see you in the parking lot later." [Aight. See you later, then.] "Alright. Seeyah." I said and ended the call. ****************************************** Xyna's POV Ngumiti ako sa salamin ng aparador ko at tiningnan yung itsura ko habang suot ang uniform ko. "Ganda mo talaga, Xyna." natatawang kausap ko sa repleksyon ng mukha ko sa salamin. Nakaka excite na nakaka kaba. Panigurado puro mga anak ng mayayaman ang mga nag aaral dun. Marami sigurong gwapo sa HU. Hahaha charot lang. Harot ko! Natigil ako sa pagmumuni muni nang biglang may kumatok sa pinto. "Bilisan mo dyan at makikisabay lang tayo kina tito Lando at Claire sa sasakyan nila. Nakakahiya, baka ma late pa tayo." si kuya pala. "Oo, eto na. Lalabas na." Scholar din sa HU si Kuya. Pareho kami ng course na tinake pero 4th year na sya. Ako 1st year palang. Lumabas nako agad ng kwarto para kumain ng almusal. "Oh anak, halikana't sabay sabay na tayong mag almusal." yaya sakin ni papa. Umupo nako para kumain. "Ngayon ang 1st day of class nyo diba, nak?" tanong ni mama habang nilalagay sa lamesa ang pagkain namin. Tumango ako. "Opo." "Galingan nyo ha? Lagi nyong tatandaan na nasa likod lang kami palagi ng papa mo." "Opo." sagot namin ni kuya at nagsimula nang kumain. Pagkatapos naming kumain ay umupo muna ako at nag cellphone habang hinihintay sina tito Lando. Beep! Beep! "Oh mga anak, mukhang si tito Lando nyo na ata yan. Puntahan nyo na sa tapat ng gate para di kayo ma late." "Opo, ma." "Hatid na namin kayo ng mama nyo sa gate." sabi naman ni papa. Naglakad na kami papuntang gate para sumakay na sa sasakyan ni tito Lando. "Hello po tito. Mano po." masayang sambit ko at nagmano na kami ni kuya kay tito Lando. "Hello, iha." lumingon naman sya kina mama at papa at kumaway. "Magandang umaga mare, pare." "Magandang umaga rin, pare." bati ni mama pabalik. "Salamat sa pagsabay kina Xyna at Calyx ha?" "Wala yun. Pare pareho narin naman sila ng skwelahan ni Claire tsaka nadadaanan din talaga namin tong bahay nyo kapag hinahatid ko tong si Claire sa skwelahan." "Sabagay. Oh sya na't lumarga na kayo pare. Mag iingat kayo sa byahe." sabi naman ni papa. "Sige pare. Xyna, Calyx, paalam na kayo kina mama at papa nyo para maka larga na tayo." sabi samin ni tito. "Opo, tito." sabi ko at humalik na kami ni kuya sa pisngi nila mama at papa. Sumakay na kami ni kuya sa sasakyan at sinarado ang pintuan nito. "Bye po mama, papa." kumaway ako sa kanila. "Mag iingat kayo." lumingon naman si mama kay tito. "Ingat sa byahe, pare." "Salamat mare. Una na kami." sabay paandar ni tito sa kotse. Habang nasa byahe, diko maiwasang mapa isip. Sa buong angkan ata namin, kami lang yung kapos palad. Kahit papaano swerte tong si Claire kasi may kaya sila. "Finally makakasama na kita sa school namin, Xy." natigil ako sa pag iisip nang magsalita si Claire. "Oo nga e. Medyo nakakakaba kasi first time ko sa ganoong kalaking skwelahan. Parang mall haha." pabirong sagot ko sa kanya. "Huwag kang mag alala. Ig'guide kita." ngiti nya sakin. "Ay teka, balita ko Civil Engineering din daw yung kinuha mong course?" "Ah, oo. Yun din ba kinuha mo?" "Omg, yes!" masayang sagot nya. "Sana maging kaklase kita para kahit papaano may ka close ako sa unang araw ng klase." "I hope too. We'll see later kung anong section tayo." Buti nalang close kami ni Claire kahit na ganto lang yung status ng buhay namin. Mabait naman talaga si Claire. Maganda pa. Sya lang yung pinaka ka close ko sa lahat ng pinsan namin. Kasi siguro magkapareho kami ng edad kaya relate kaming pareho sa buhay. Nagkwentuhan lang kami ni Claire habang si kuya naman ay tahimik lang na naka earphones sa passengers seat. Makalipas ang ilang minutong byahe, nakarating na kami sa HU. Nagpaalam na kami kay tito Lando at pumasok na. Humiwalay na rin samin si kuya dahil iba yung building kung saan makikita yung section nila. "Ayun yung list kung saan yung section natin. Let's go, tingnan na natin kung anong section tayo." aya sakin ni Claire. "Sige." sabi ko at nagpatuloy narin sa paglalakad. Habang naglalakad kami ni Claire, diko maiwasang mapanganga sa ganda at laki ng HU. Nakakamangha talaga. Parang mall sa laki, as in. Nagpatuloy lang ako sa paghanga sa HU habang naglalakad. Hanggang sa tumama ako sa isang matigas na bagay. *BAAMM!* "Aray ko..." inda ko nang bumagsak ko sa sahig. "Hey, miss. Are you okay?" tanong sakin nung nakabangga sakin. Tumingala ako para tingnan kung sino ba tong nakabangga sakin. "Mukha ba akong ok---" natigilan ako nang makita ko yung mukha nya. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Angel ba to? Nasa langit naba ako? Ang gwapo nya... -TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD