Xyna's POV
"Mukha ba akong ok---" natigilan ako nang makita ko yung mukha nya.
Nagtagpo ang mga mata naming dalawa.
Angel ba to? Nasa langit naba ako? Ang gwapo nya...
Natauhan ako nang marinig kong nag snap sya ng daliri.
"Hello? You okay?" tanong nya ulit.
"Ah, o-oo. Okay lang a-ako." nauutal na sagot ko.
"My drink got spilled on your uniform. You're wet now. Do you have an extra?"
Tiningnan ko ang uniform ko at nakitang basang basa nga sya. Naiwan na rin ako ni Claire. Di nya siguro ako napansin dahil nauna syang maglakad sakin kanina.
"Wala e. Hay, pano ba to? Kaasar naman" tumingala ulit ako sa kanya. "Saan yung banyo dito?"
"Doon." turo nya. "Let's go, samahan na kita papuntang CR." sabi nya.
Isa isa nyang pinulot ang mga gamit ko na nagkalat sa sahig at nilagay ang mga yon sa bag ko.
"Here's your bag. Let's go to the CR."
"Sige, salamat."
Inalalayan nya ako sa paglalakad. Medyo sumakit din kasi yung balakang ko sa pagbagsak ko sa sahig.
'Who is she?'
'Bakit sila magkasama?'
'Swerte nung girl, shocks.'
Dinig kong bulungan ng mga nadadaanan naming studyante habang naglalakad kami. Hindi ko nalang pinansin.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makapunta na kami sa tapat ng CR.
"Wait for me in a cubicle. I'll buy you a pair of uniform para masuot mo."
"Naku, huwag na. Nakakahiya."
"No, it's okay. Kasalanan ko rin naman kaya nabasa yung uniform mo. Go and stay in a cubicle. Wait for me to come back, okay?"
"S-sige." sagot ko at pumunta na sa loob ng cubicle.
Habang nakaupo ako ay inisip ko ulit yung nangyari kanina at kung papaano yung tingin nya sakin. Nakaka kilig sobra. Tapos ang gwapo pa nya. Dapat naiinis ako kasi ang malas ko sa 1st day of class ko pero dahil sa kanya, bale wala ang inis ko haha. Harot harot!
"Miss? Are you there?"
Andito na pala sya.
"Oo, andito ako." sagot ko sa kanya.
"Here's your uniform." abot nya sakin ng plastic na may lamang uniform.
"S-salamat."
"You're welcome. I'll just wait for you outside."
"Sige." sagot ko.
Narinig ko yung mga yapak nyang naglalakad na palayo.
Nagbihis nako agad. Nakakahiya din sa kanya kung papaghintayin ko sya ng matagal dun sa labas.
Nang matapos nakong magbihis, lumabas nako sa CR at inilagay sa locker ko yung basang uniform ko. Kunin ko nalang ulit to mamaya bago umuwi.
Lumabas nako at nakita ko syang naghihintay sakin.
"Dapat dimo nako hinintay. Kaya ko naman na."
"I did it in purpose. Di pa kasi ako nakakapag sorry sa nagawa kong kamalasan sayo kanina." natawa sya ng konti sa sinabi nya.
Natawa din ako. "Grabe naman yung kamalasan. Okay lang naman na yun. Apology accepted." nakangiting sabi ko sa kanya at nag thumbs up.
Natawa sya sa ginawa ko. "I'm Benedict, by the way." nilahad nyan yung kamay nya.
Inabot ko naman yun at nagshake hands kami. "Xyna."
"1st year college ka rin, right?" biglang tanong ni Benedict.
"Oo, bakit?"
"Do you know your section already?"
"Dipa e. Ikaw ba, alam mo na kung ano yung section mo?"
"Dipa rin. Sabay na natin tingnan mga section natin, tara?" yaya nya sakin.
"Sige, tara."
Naglakad na kami papunta kung nasaan yung list ng section namin.
Hinanap ko agad kung anong section ako nang makarating kami.
Hipolito, Xyna Shane - CE-A
"Nakita mona ba yung section mo?" biglang tanong sakin ni Benedict.
"Ah oo. CE-A section ko." sagot ko naman sa kanya.
"Woah, classmates pala tayo."
"Talaga? Civil Engineering din tinake mong course?" tanong ko naman sa kanya.
"Mm-mm" tumango sya habang nakangiti.
"Ayos! Tara na, pumunta na tayo sa room." tiningnan ko relo ko. "Late narin pala tayo, hala."
"Yeah, let's go."
Lakad-takbo kaming pumunta sa room kasi late na kami. Nice, 1st day of school late agad. Hay naku.
Pagkadating namin, may prof na nagsasalita na sa harap.
Kumatok kami para mag excuse.
"Yes? Are you both belong in this class?" tanong nung prof samin.
"Yes, ma'am." sagot naman namin.
"Okay. Pumasok na kayo." nag gesture sya na pinapapasok na nya kami. "And since they are all done introducing themselves, you're gonna introduce yourself too before you sit."
"Yes po." sagot ko naman.
Pumasok na kami para magpakilala. Nauna si Benedict.
"Hello everyone. I'm Benedict Castro. Nice to meet you all." at nagbow sya.
Nagtilian yung mga babae sa likod.
"Shh! Girls at the back. Quiet please." saway ng prof namin sabay lingon sakin. "Your turn now."
Sumunod naman ako na magpa kilala.
"Ako naman si Xyna Shane Hipolito. Sana maka close ko kayong lahat." nagbow din ako.
"You may now take your sit. Pumili nalang kayo ng mauupuan. Sakto pa naman, dalawa nalang ang vacant seats." anunsyo ng prof namin.
Tiningnan ko ang paligid at nakita kong sa tabi ni Claire yung may bakanteng upuan. Ayos, kaklase ko rin si Claire.
Pinuntahan ko agad si Claire at umupo sa tabi nya.
"San kaba galing kanina? Bigla ka nalang nawala sa tabi ko habang naglalakad." bulong sakin ni Claire.
"Ahh e. Mahabang kwento hehe. Kwento ko mamaya."
Tumango lang naman sya. "Tapos kasama mopa si Benedict. Infairness ah, swerte mo."
"Huh? Paano ako naging swerte?"
"Benedict is a member of HU's basketball team. Kasama yung mga katabi nya sa upuan. Ayun oh." turo nya kina Benedict.
Tiningnan ko naman sila. Oo nga, magkakatabi sila sa upuan. Pare parehong gwapo. Halatang anak ng mayaman.
"Okay class--" biglang sabi ng prof namin.
Natigil muna ako sa pagmumuni at nagfocus na muna kay prof.
-TO BE CONTINUE