CHAPTER 15

1259 Words
Xyna's POV Mabilis lumipas ang oras. 3:45 na nga ng hapon. Magre ready nako para sa date namin mamaya ni Ezekiel. Pumunta ako sa aparador ko at namili ng mga susuotin. Hmm.. Magji jeans ba ako o dress nalang? Jeans nalang nga. Para comfortable. Hinanda kona ang mga susuotin ko para mamaya. Denim high waist jeans, white sleeveless crop top, black and white checkered flannel, black belt at simpleng white shoes. Isa isa kong tinitignan ang mga susuotin ko mamaya. "Ayos na. Maliligo nako." bulong ko at pumunta na sa banyo para maligo. After ko maligo, chineck ko ang phone ko kung anong oras na. 4:15 pm na. Pero ayos lang yan. 5pm naman daw nya ako susunduin sabi nya kahapon. Dumeretso nako sa kwarto ko pagkatapos maligo at nag simulang mag ayos. Habang nag aayos ako ay biglang kumatok si mama. "Nak, may nag hahanap sayo sa labas. Ezekiel pangalan. Kaklase mo daw." sigaw ni mama mula sa labas ng pinto. HA!? Ang bilis naman nya. Bat andito na sya agad? Di naman sya excited e no? "Ah opo, ma kaklase ko po sya. Pwede po bang paki sabi sa kanya na sa sala nalang natin sya mag hintay? Nag aayos pa po kasi ako." "Sige. Sabihan ko sya. Bilisan mong mag ayos dyan. Nakaka hiya sa tao kung papag hintayin mo sya ng matagal." sabi ni mama at narinig ko na syang naglakad palayo ng pinto. Pinag patuloy ko ang pag aayos ko. Di naman ako nag lalagay ng kung anu ano sa mukha ko e. Tamang sunscreen at lip tint lang. Pagkatapos kong ayusin ang mukha ko ay nagbihis nako. Nang masuot kona ang mga hinand akong damit ay pinagmasdan ko sa salamin ang buong itsura ko. Hmm.. Parang ang pangit kung maglulugay lang ako ng buhok kaya tinali ko ito, messy bun at nag salamin. Tumingin ulit ako sa salamin para i-check ang itsura ko. "Perfect!" bulong ko. Nag pabango muna ako bago tuluyang lumabas ng kwarto. At ayun nga, nakita kong nag aantay sa sala namin si Ezekiel. Napaka simple lang ng suot nya. Black na khaki pants, polo na black and white at simpleng white shoes lang din. Kung titingnan kami ng magkalapit, para kaming naka couple outfits. Parehong black and white. E favorite color ko ang black and white e. Pinagmasdan ko naman ang mukha nya. Ngayon kolang na realize na gwapo nga talaga sya. Bagong gupit pa. Ang tangos ng ilong tapos may cleft chin. "Enjoying the view?" Bigla akong bumalik sa huwisyo sa sinabi nya. "H-ha? Hindi n-no!" nauutal na sabi ko. Natawa lang naman sya. Bat pati pagtawa e ang sexy pakinggan? Umiling ako para mawala ang mga naiisip ko. Nako, Xyna. Tumikhim ako. "Bat pala sobrang aga mo? Di naman halatang excited ka e no?" pag iiba ko ng usapan "No, I'm not. Wala lang akong magawa sa unit ko kaya I decided na sunduin kana." nag pause sya. "Mukhang ready ka naman na e. Ikaw ata yung mas excited kaysa sakin." pang aasar nya. Eto nanaman, nang aasar nanaman sya. "Hindi ah! Wala lang din akong magawa kaya nagready nako agad." sabi ko naman at napalingon kay mama na nadaan sa kusina. "Nga pala, ma. Si Ezekiel po." pagpapakilala ko sa kanya. "Hello, ma'am." magalang na sabi naman netong si Ezekiel. "Naku, huwag ng ma'am. Kahit tita nalang, iho." sabi naman ni mama. Ngumiti naman tong isa. "Sige po tita." "Mukhang may lakad kayo ah? San ang punta?" tanong ni mama at lumingon sa akin. "Ah, may activity po kasi kaming gagawin, ma. Tapos kami po yung mag partner." paliwanag ko. Diko na sinabing date ang activity namin para hindi maghinala si mama. Para lang din naman sa grades yung gagawin namin. "Ah ganun ba. O sige na't gumayak na kayo." sabi ni mama at humarap kay Ezekiel. "Ingatan mo si Xyna ha? Pagkakatiwala ko muna sya sayo dahil ikaw naman ang sumundo. Huwag mo sisirain ang tiwala ko." habilin ni mama. "Sure po, tita. Ako pong bahala kay Xyna." sagot naman nya at ngumiti. "Sige po, ma. Alis napo kami." paalam ko. Tumango lang naman si mama at ngumiti bilang sagot nya. Lumabas na kami ng gate para sumakay sa kotse nya. Pinag buksan nya muna ako ng pinto. Nagulat ako dahil pataas na bubuksan yung pintuan ng kotse nya, di gaya sa mga normal na sasakyan. "Sakay kana." nakangiting sabi nya sakin. Sumakay nako. Sinarado nya yung pintuan at umikot para makasakay sa driver's seat. "Anong klaseng sasakyan tong meron ka? 1st time kolang kasi makakita ng gantong sasakyan." "Ohh. My dad gave it to me as a gift nung nag champion kami sa basketball." paliwanag naman nya sakin. "So, let's go?" Ngumiti naman ako at tumango. Pina andar na nya ang sasakyan at humarurot na papalayo. Habang nasa byahe ay di ako mapakali. Baka kasi kung saan saan ako dalhin netong lalaking to e. "San pala tayo unang pupunta?" tanong ko. "Secret. You'll know it later. I'm sure you'll like it there." lumingon sya sakin ay ngumiti sabay balik ng atensyon nya sa daan. "Baka kung saan saan moko dalhin ah? Malalagot ka talaga sakin tingnan mo." "Ooohh. You're scaring me, miss." pang aasar nya sakin at tumawa ng kaunti. "Basta magugustuhan mo dun." sagot nya sabay kindat sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya. "H-hoy! Bat ka kumindat!?" nauutal na sabi ko sa kanya habang hinahampas sya sa braso. Natawa naman sya, tila nag eenjoy pa ang loko. "Don't hit me. I'm driving." lumingon naman sya sa akin saglit. "You look prettier when you're blushing tho." Tinakpan ko naman ang mga pisngi ko. "S-sinong nagb'blush? Hindi ako n-nagb'blush no!" Tumawa naman sya. "Okay, sabi mo e." Nagpatuloy lang sya sa pag mamaneho pagkatapos nun. Naisipan kong i-connect ang phone ko sa speaker ng sasakyan nya para magpatugtog. Masyado kasing tahimik, nakaka bingi. Dandelions - Ruth B Ginalaw galaw ko ang ulo ko. Sinasabay ko sa beat ng kanta. Maybe it's the way you say my name Maybe it's the way you play your game But it's so good, I've never known anybody like you But it's so good, I've never dreamed of nobody like you Tumingin ako sa tanawin sa labas habang sinasabayan ng pagkanta yung tugtog. And I've heard of a love that comes once in a lifetime And I'm pretty sure that you are that love of mine 'Cause I'm in a field of dandelions Wishing on every one that you'll be mine, mine Huminto kami dahil kulay red yung traffic light na nasa harap namin. And I see forever in your eyes I feel okay when I see you smile, smile Nabigla ako dahil sumabay si Ezekiel sa pagkanta ko kaya napalingon ako sa kanya habang patuloy parin sa pagkanta. Wishing on dandelions all of the time Praying to God that one day you'll be mine Wishing on dandelions all of the time, all of the time Sabay naming kinanta habang magkatitigan. Diko na alam kung gaano na kami katagal na magkatitigan ni Ezekiel dahil nakakalunod ang mga titig nya. Nakita ko rin na maganda pala ang mga mata nya, kulay light brown. Para akong hini-hypnotize. Di ako maka galaw. Para din akong naparalisa na ewan. Beep! Beep! Beep! Pareho kaming nagulat sa busina ng mga sasakyan na nasa likod namin. Lumingon ako sa harap namin. Kulay green na pala yung kulay na umiilas sa traffic light. Tumikhim lang si Ezekiel at pina andar na ulit yung sasakyan. Myghad, anong nangyari? Nakakahiya! -TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD