Xyna's POV
Maaga akong nagising kinaumagahan. Siguro naka sanayan na ng katawan ko na maaga magising kahit na walang pasok.
Ayun nga, walang pasok ngayon dahil sabado. Nag hilamos ako at nag sepilyo bago lumabas sa kwarto para maghanap ng gagawin.
Pumunta ako sa lababo namin para tingnan kung may hugasin. Wala. Tiningnan ko rin yung lagayan ng mga labahan na damit pero wala ding laman. Nilabhan agad ni mama. Nakita ko naman na malinis din yung sahig at mga gamit so hindi kona kailangang mag punas at mag walis.
Umupo ako sa cleopatra naming upuan ay bumuntong hininga.
Bat kasi ang aga aga kong nagising? Hay nako.
Nag scroll scroll nalang muna ako sa f*******: at may nakita akong isang shared post. Video sya ng nag e-exercise at ineexplain kung ano ba ang benefits ng pag e-exercise regularly.
Napayuko ako at nakita na medyo kumakapal na ang tyan ko.
Pinisil pisil ko ito. "Hala, ang laki na ng bilbil ko. Mukhang kailangan kona ring mag exercise." bulong ko.
Tama. Mag eexercise nalang ako para di mabored. Mamayang hapon pa naman ako susunduin ni Ezekiel e. Mahaba habang oras pa.
Napalit ako sa kwarto ko ng pang exercise na attire. Nagdala narin ako ng earphones para may music. Balak ko kasing mag jogging sa labas.
Pagkalabas ko ng pinto ay nakita ako ni mama habang nagsasampay sya ng mga damit.
"Oh anak, san ang punta mo?" tanong nya sakin.
"Magj'jogging lang po saglit, ma. Wala din po kasi akong magawa dito sa bahay." paalam ko.
"Okay sige. Mag iingat ka."
"Opo."
Lumabas nako ng gate at pumunta sa pinaka malapit na park sa amin para mag simulang mag jogging.
Nang makarating na ako sa park, nag stretching muna ako at nag play ng music bago nagsimulang mag jogging.
Ezekiel's POV
I'm at the gym now, wala lang, work out lang. Medyo may katagalan narin nung last na nag work out ako e.
While I'm doing an exercise for my biceps, a lady approached me.
"Hey handsome. Bago ka lang ba dito?" she seductively said.
I look at her with an expressionless face. She's filled with make up in her face. Parang drawing book.
I turned my attention back to what I was doing and proceeded with my exercise.
Di pa sya nagpatinag. She massaged my arms lightly with her hand while slowly walking towards my back and whispered at the back of my ear.
"Ang sungit mo naman. Mga ganyan pa naman ang mga type ko. Palaban."
I can't with this woman.
I stood up and face her. "Can you please stop!? You're disturbing me." I said and walk away.
Nawalan ako ng gana mag work out nang dahil sa babaeng yon. I just went home.
Sumakay ako ng elevator para makarating sa penthouse ko. Same building lang kasi. Nasa 3rd floor lang yung Gym.
Right after I arrived, nagpahinga muna ako ng konti. I called my friends para kamustahin yung plano para mamaya.
And yes, okay na daw. Ise-set up nalang mamaya. Nice!
I took a shower and got dressed. Pupunta kasi ako ng mall para mamili ng ireregalo sa kanya mamaya.
Ang sabi kasi sa website na nakita ko, mostly flowers, chocolates and bear daw ang mga binibigay kapag 1st date.
After ko magbihis, nag spray ako ng perfume on my wrists, behind of my ears and on my shoulders.
I took my car keys. Pumunta ako sa parking lot ng building at pina andar na ang kotse ko papunta sa mall.
Xyna's POV
Habang nagj'jogging ako, may nakita akong bata na umiiyak. Nawawala ata sya. Pinuntahan ko sya agad.
Lumuhod ako at kinausap sya. "Baby, okay kalang ba? Asan ang mga magulang mo?" malambing na tanong ko sa kanya.
Umiling naman sya bilang sagot nya sakin habang umiiyak. Nawawala nga talaga sya.
"Shh.. Stop crying na ha?" pagpapatahan ko sa kanya.
Ting-ting! Ting-ting!
Bigla nga syang tumigil sa pag iyak nang may marinig sya ng kalembang ng bell ng nagtitinda ng ice cream.
Tumingin sya sa manong na nagtitinda ng ice cream habang habang sumisinghot singhot parin.
"Gusto moba ng ice cream? Ibibili ka ni ate."
Tumango lang naman sya bilang sagot nya sa tanong ko.
"Sige. Hintayin mo lang si ate dito ha? Upo kalang dyan. Bibili lang ako ng ice cream, okay?"
"Mhmm-mm"
Ngumiti ako sa kanya at bumili na ng ice cream.
"Manong, isang ice cream nga po."
Inasikaso agad ni manong yung order ko at binigay sakin. Nagbayad muna ako syempre, bago ako bumalik dun sa bata.
"Eto baby oh." sabi ko sabay bigay ko sa kanya nung isang ice cream.
"Tenchu po." sabi naman nya sakin.
Pinagmamasdan kolang sya habang ineenjoy nya yung ice cream.
"Ano palang name mo?" tanong ko sa kanya.
"My name is Sophia po."
Tumango tango naman ako habang hinahaplos ang ulo nya.
"How about you. Ano pong name nyo?" tanong naman nya sakin.
"Ang name ko is Xyna." sagot ko sa kanya habang nakangiti.
"Can I call you 'Ate Xyna' then? Because I don't have older siblings. I'm an only child." kwento nya sakin habang nakasimangot.
"Oo naman. Pwede moko maging ate." ngiti ko sa kanya.
Maya maya pa ay may nakita kaming lalake na naka suit and tie na tumatawag sa pangalan ni Sophia.
"Sophia! Sophia!" sigaw nya habang palinga linga sa paligid. Halatang may hinahanap sya.
"Daddy!" tawag naman ni Sophia at tumakbo sa daddy nya. Nagyakapan sila.
"Are you okay?" tanong sa kanya ng daddy nya at tumango lang naman sya habang magkayakap sila.
Bumitaw sila sa pagyayakapan. Lumingon si Sophia sakin.
"Daddy, she's my ate now. Her name is Xyna." pagpapakilala sakin ni Sophia.
"Hello po sir." bati ko naman.
"I'm Robert." lahad nya ng kamay nya kaya tinanggap ko yun at nag shake hands kami. "Thank you for taking care of my daughter for a while. Thank God at nasa mabuting mga kamay sya."
"Wala po yun. Tsaka ang cute po kasi ng anak nyo kaya nag enjoy din po ako na kausap sya." sabi ko naman.
Ngumiti naman sakin si sir Robert.
"Oh well, we're heading home now. Ikaw ba san ka naka tira? Hatid kana namin."
"Ay hindi napo. Malapit lang naman po dito yung bahay namin." sabi ko naman.
"Okay. So mauna na kami iha. Thank you again." sabi naman nya sakin.
"Bye, ate!" paalam naman sakin ni Sophia habang kumakaway.
Ngumiti naman ko at kumaway din. "Bye bye."
Nang maka alis na sila ay umuwi nako. Mag aalas dies narin pala ng umaga.
Ezekiel's POV
I'm currently looking for a human size teddy bear right now here at the mall.
I saw a Panda, Stitch and a brown bear.
"Yes po sir? Human size teddy bear po ba ang hanap nila?" the sales lady asked me.
"Yes. Which of these 3 yung pinaka mabenta?" O asked.
"Yung panda po, sir."
"Okay. I'll get it."
The sales lady took the Panda one and put it in a big plastic.
I went to the counter and paid for it.
Habang bitbit bitbit ko ang mga pinamili kong chocolates and bear, pinagtitinginan ako ng mga tao.
'Grabe ang effort naman ni kuya.'
'Agree. Ang gwapo pa.'
'Ang swerte naman ng girlfriend nya.'
Dinig kong bulong nila habang tinitingnan ako. I didn't mind them.
Pumunta ako ng parking lot at isinakay sa loob ng kotse ko yung Panda bear at mga chocolates.
Alright, let's go!
-TO BE CONTINUE