CHAPTER 13

952 Words
Xyna's POV Nag aayos kami ni Claire ng gamit ngayon dahil tapos na ang klase. "Paano nyan yung activity nyo ni Ezekiel? Mukhang you're both not in good terms pa naman." sabi nya. Bumuntong hininga lang ako. "Ewan ko. Bahala na." Lalabas na sana kami ng class room nang may biglang humawak sa braso ko. "Wait, Xyna. Can we talk?" si Ezekiel pala. Sinenyasan ko si Claire na susunod nalang ako. "Una na kami bro ah? Sunod ka nalang." sabi naman ng isang kasama ni Ezekiel. Chester ata ang pangalan nun. Tumango lang naman sya sa kanila. "Call me if anything happens, okay?" sabi naman sakin ni Benedict. Tumango lang din naman ako sa kanya. Nang wala na ang lahat at kami nalang dalawa ang nasa room, humarap ako sa kanya at nag krus ng mga braso. "Tungkol saan ang pag uusapan natin?" "Uhh. About the activity." "Ay iba. Himala! Akala koba wala ka ng pake dun?" "Nung una..." nanahimik sya. Aalis na sana ako nang pigilan nya ako ulit. "Wait, Xyna. I'm sorry about what I did to you yesterday." sinserong sabi nya at yumuko. Bumuntong hininga ako. "Wala yun. Tapos na yun. Okay naba?" walang ganang sabi ko. "No, not yet." nag pause sya. "Yun nga, about din sa activity natin. Maybe we can start it tomorrow? Since Saturday naman bukas." "Okay sge. Pero huwag kang mag expect ah? Wala akong alam sa date date na ganyan." pag amin ko. "It's okay. I have planned everything for tomorrow." sabi naman nya at ngumiti. Tumango lang ako. "Okay sige. Yun lang ba pag uusapan natin?" "Hindi." pigil nya ulit at inabot sakin ang cellphone nya. "Can I have your phone number? Para bukas." Nilagay kona agad yung number ko sa phone nya para matapos na to. "Ayan. Madalas akong walang load ah? Di kasi ako pala text na tao e." sabi ko naman. "Okay lang sige." naka ngiting sabi naman nya. "I think hinihintay kana ni Claire. Ingat kayo sa pag uwi." "Sige. Ingat ka din." paalam ko sa kanya at naglakad na papunta sa sasakyan ni tito Lando. Habang nasa byahe kami pauwi ay naramdaman kong nag vibrate yung phone ko kaya tiningnan ko ito. SMARTLoad 1/2 20-Jul 19:35: P1000 loaded to 0949******* from 63947******* . Ref:8FJ9NSEOY1 !Use *123# to get FREE GIGA STORIES OR GAMES or smrt.ph/GigaLifeApp! Huh? Sino namang nagpa load sakin ng 1k? Maya maya pa ay may nagtext nanaman. Unknown Hi, Xyna! This is Ezekiel. Save mo nalang number ko. PS: Niloadan kita ng 1,000 para makapag reply ka sakin :> Nanlaki ang mga mata ko. Sya pala yung nagpaload sakin. Sinave ko ang number nya. Dali dali akong nag register at nireplyan sya. Me to Ezekiel Bakit 1k naman? Ang laki neto, Ezekiel. Pwede namang sa messenger nalang e. Maya maya pa ay nagreply na sya. Ezekiel Hindi ka naman madalas online e. Kaya pwede nayan hehe :> Bumuntong hininga ako at nagreply sa kanya. Me to Ezekiel Ikaw talaga. Pero salamat ah? Ikaw lang naman nyan makaka text ko dito madalas. Ezekiel Edi mas ayos! Haha! Me to Ezekiel Baliw. Huwag kang tatawa tawa dyan. Galit pako dahil sa ginawa mo sakin kahapon no. Ang sakit kaya. Ezekiel Sorry naman. Iinisin lang dapat kita nun e. Diko alam na napakalas pala hehe. Sorry :> I'll make it up to you, promise. I will take away your anger on me ;> Natawa naman ako at nagreply. Me to Ezekiel Sus! Tingnan lang natin. Ezekiel Yes, you'll surely see hahaha! I'll just see you tomorrow then. Mga 5pm kita susunduin sa inyo bukas :> Susunduin nya ako? Alam nyaba bahay namin? Hahaha! Bahala sya. Me to Ezekiel Sige :> "Ay may pangiti ngiti." biglang sabat naman netong si Claire sa tabi ko sabay tingin sa phone ko. "Magka text na nga kayo ni Ezekiel. Bati naba kayo?" tanong nya. "Di pa masyado. Kinuha nya yung number ko kanina at nag usap din kami about sa activity." lumingon ako sa kanya. "Bukas na namin gagawin yung date namin. Sa inyo ba ni Asher, kailan?" "Tomorrow din. Sya na nga din yung nagplano ng lahat lahat e." kinikilig na sabi nya. Harot talaga neto. Natawa ako. "Kahit nga din si Ezekiel sya na nagplano e. Kasi alam mo naman, di pa ako nakikipag date ever since. So wala akong idea." paliwanag ko sa kanya. "Pero mag iingat ka parin sa Ezekiel na yan ah? Diko pa napapatawad yan sa ginawa nya sayo kahapon." Ngumiti ako. "Oo naman. Tsaka nagpa sorry narin naman sya kanina. Babawi daw sya sa date namin bukas." "Siguraduhin nya lang." sabi nya habang nanliliit ang mga matang tumingin sakin. Natawa naman ako lalo. Tong babaeng to talaga kahit kailan hahaha! Nang makarating na kami sa bahay, bumaba na kami ni kuya at nagpaalam kina tito Lando at Claire. Binati ko agad sina mama pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay sabay deretso sa kwarto ko para magbihis at magpahinga na rin. Ano kayang mangyayari bukas sa activity namin ni Ezekiel? Ezekiel's POV When I get home to my penthouse, I took a shower and change my clothes. I lay on my bed, staring at the ceiling of my room. Hmmm.. Paano kaya ang gagawin ko para bukas? Umupo ako and nag search sa internet about dating ideas and luckily, I saw different kind of ideas. Scroll.. No, not this. Too lame for me. Scroll.. Maganda pero not enough. Scroll.. Gotcha! I'm sure she'll like it. I called a friend to help me settle things for our date tomorrow. After masettle ng lahat lahat, I lay down again. I'm so excited for our date tomorrow. I'm sure mawawala na galit nun sakin hahaha! -TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD