CHAPTER 12

836 Words
Xyna's POV Kasalukuyan akong nag aayos nang biglang nagring yung cellphone ko. Tiningnan ko kung sinong tumatawag. Si Benedict pala. Sinagot ko agad. "Hello, Benedict. Napatawag ka?" [Sabay tayong pumasok ah? Sunduin kita.] sagot naman nya. "Naku, huwag na. Susunduin din naman ako ni tito Lando." Natawa naman sya. [E pano ba yan? Andito nako sa tapat ng bahay nyo.] Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?" Narinig ko namang kumatok si mama sa kwarto ko. "Anak bilisan mona dyan. Sabay daw kayo ni Benedict. Sa labas ka nalang daw nya hintayin." Hala, totoo nga. [Hintayin kita dito.] sabi nya at pinatay na ang tawag. Nagmadali nakong mag ayos at lumabas na ng kwarto. "Alis napo ako ma, pa." paalam ko sa kanila. "Ingat kayo, anak." dinig ko pang sabi ni mama habang palabas ako ng bahay. Nakita ko naman agad si Benedict sa tapat ng gate nang makalabas na ako ng pintuan namin. Agad ko syang dinaluhan. "Bat pabigla bigla ka naman. Anong meron at sinusundo mo nako ngayon?" takang tanong ko. "Hmm.. Wala lang." natatawang sabi nya. "Tara na?" Tumango lang ako at sumakay na sa loob. Sumakay nadin sya sa driver's seat. Nabigla ako nang bigla nyang inilapit ang mukha nya sakin. As in, sobrang lapit. Nakakaduling sa lapit. Ilang pulgada nalang at magdidikit na ang mga ilong namin. Nagka titigan kami. Nakita ko ng mas malapit ang mukha ni Benedict. Talaga nga namang napaka gwapo nya. Pointed ang ilong. Napaka haba ng mga pilikmata. At yung kulay ng mga mata nya, kulay dagat. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Yung t***k din ng puso ko ramdam ko na napaka lakas. Yung tipong sa sobrang lakas e naririnig kona. Pansamantala kong na feel na huminto ang mundo na parang kami lang ang nandito. Palapit pa sya ng palapit. Teka, napapanood ko to sa mga teleserye at kdrama. Ikikiss nya ba ako? Dahan dahan akong pumikit para salubungin ang halik nya. "Xyna? Are you okay?" biglang sabi nya sakin. "Uhh.. O-oo. Napuwing lang hehe." nahihiyang sabi ko naman. "I'm gonna fasten your seat belt." sabi naman nya at inayos na ang seat belt ko. Aayusin lang naman pala ang seat belt. Parang gusto ko ng magpalamon sa lupa ngayon sa hiya. Nakakahiya ka, Xyna. "Done. Let's go." sabi nya. Tumango lang ako. "T-tara." Pina andar na nya ang kotse at nagsimulang mag maneho palayo sa bahay. Tahimik lang ako sa byahe habang naka tingin sa tanawin sa labas. "Uh... Xyna. Tanong kolang. What's your ideal man?" biglang basag nya sa katahimikan. "Simple lang. Yung tanggap ang buong pagkatao ko." Tumango tango lang sya. "Nagka boyfriend kana ba?" "Hindi pa e hehe." "Seriously? Sa ganda mong yan dika pa nagkaka boyfriend?" Namula naman ako sa sinabi nya. "Nambola kapa. Oo, dipako nagkaka boyfriend." "Di ako nambobola. I mean it. Maganda ka." sabi nya habang nakatingin sa akin. Bigla ko namang naramdaman na uminit ang mukha ko. "T-tumingin ka nga sa daan. Ano k-kaba?" nauutal na sabi ko naman. Natawa sya at tumingan sa daan. "You look cute when you blush." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya kaya napatakip ako ng mukha ko. Jusme bat ayaw akong tantanan ng kahihiyan? Ezekiel's POV I'm currently at the hallway of the front of our room. Tulala sa kawalan. Maya maya pa ay may napansin akong pamilyar na sasakyan. Sasakyan ni Benedict. They got off the car. Yes, sabay silang pumasok ni Xyna. Maybe he's already courting her? I don't know and I don't care. "Ohh. Kaya pala di sumabay satin kasi may sinundo ang ating lover boy haha." Cedric said beside me. We just watched them walking until they reach our place. "Hey bro!" Asher greeted him. "Xyna nililigawan kana ba neto?" he asked her jokingly. Napatingin naman ako sa kanila. "Ahh. H-hindi no. Sige, papasok nako." she answered. Tiningnan nya pa ako ng masama bago tuluyang pumasok sa room. Of course she's mad. Sino ba namang di magagalit sa ginawa ko? I'm so pathetic. "Hey, Benedict. What's the score between you an Xyna huh?" Chester asked him. "Hmm.. Slowly but surely haha. Dahan dahanin lang natin syempre." sagot naman netong isa. Tss. Kolokoy. I decided to enter the room without saying any word to them. Minutes later, the bell rang. Sign na magsisimula na ang klase anytime soon. Tahimik lang ako hanggang sa dumating na ang prof namin at nag discuss. Our prof continue discussing habang ako naman ay walang pake. Tulala lang ako. Tiriring! Tiriring! Tiriring! Until the bell rang again. I didn't understand a thing the whole discussion. "By the way class before I leave." our professor said. "Let me just remind you of your activity. Ang deadline nun is on Monday. Friday na tayo ngayon. Magpasa na mga dipa nakakapag pasa. Ihabol nyo ha?" "YES, MA'AM!" we answered. I looked at her direction and I saw her looking at me with her mad eyes. Sinisisi siguro ako neto. I looked away and sigh. I'll just talk to her later after class. -TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD