Ginabi na ako sa kahahanap ng kwintas, ang akala ko ay makikita ko yon pero hindi, kaya umuwi nalang ako.
Pagkarating ko sa bahay ay mabilis akong kumain at nag hugas ng plato na siyang naka-assign sa akin.
Pag labas ko galing banyo rito sa baba ay nakita kong kumakain ang dalawang magagaling kong kapatid at may mga hugasin ulit sa lababo.
"Hugasan niyo yang mga ginamit niyo kung ayaw niyong kayo ang hugasan ko." Pahakbang na ako paitaas nang ibuka ng bunso kong kapatid ang bibig niya.
"Trabaho mo yan, huwag ka na mag reklamo ate, diba kuya?" Masiyadong tuon na tuon ang mata nila sa Tv at ito namang si kuya sumang-ayon din.
"pwede bang mag isip kayo? Tapos na akong nag hugas---" hindi nila ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Trabaho mo yan diba?" Angal nanaman ni bunso.
"Parang tinatanggalan mo kami ng karapatang kumain sa gabi--" isa rin 'tong si kuya, bago pa niya matapos ang sasabihin ay sumingit na ako.
"Hindi naman sa tinatanggalan ko kayo ng karapatan na kumain sa gabi, ang sa akin lang, tapos na ang trabaho ko sa araw na ito at hindi niyo naman ako maid na huhugasan nalang bawat hugasin na ilalagay niyo ro'n, sana marunong din kayo mag hugas hano? Yung hindi palaging nakaasa sa akin." Nafefeel ko na yung pag taas ng dugo ko, malapit na akong makapatay ng kapatid, ni hindi man lang nila nakuhang isautak ang sinabi ko.
"Tsk, ang daming sinasabi!" Pasinghal na reklamo ni bunso.
"Kuya, kausapin mo nga yang kapatid mo." Tuluyan na akong nakaayat pero naririnig ko silang nagaaway sa baba.
Dapat kasi tig iisang bahay nalang ang ibinili sa amin nina mama, ang hirap makasama ang kapatid sa iisang bahay lalo na pag walang parents na siyang dapat nag aalaga sa amin.
Bruh, isang malalim na hinga ang pinakawalan ko at humilata na sa kama.
"What an exhausted day."
*
"Good morning Jeorin!!!!"
Nagising ako sa boses ni Vribon at nang marealize ko na nandito nga talaga siya ay napabalikwas ako.
"A-ang aga mo naman Vrib, anong oras palang." Humikab ako at nag simula nang ayusin ang higaan ko.
"Hindi ako papasok, ihahatid lang kita sa school tapos didiretso na ako sa pupuntahan ko." Pag update niya sa akin.
Natigil ako sa ginagawa ko at hinarap siya, nasa pintuan kasi siya at nakapamewang.
"Saan ka pupunta? At isa pa, you don't need to take me to the school."nag patuloy na ulit ako sa ginagawa at nag madaling pumasok sa banyo at bukas ang pinto habang naliligo ako.
"May patutumbahin ako." Sabay hilata niya sa kama ko, kaayos ko lang nun eh, babaita talaga.
Tinapos ko muna ang pag ligo ko bago siya kausapin ulit.
"Sino yan, boyfriend mo siguro na naging ex mo na ngayon." Lahat kasi ng ex niya hindi niya hinahayaang sasaya after makipag hiwalay sa mga yon.
"Hindi, iba na ang target ko ngayon, ang mga babae niya." From the word mga Sobra sa sampu siguro kaya ganiyan kagalit yan.
"Bahala ka nga, tara na, baba na tayo." Hinatak ko na siya pababa at kumakain na ang dalawa kong mababait na kapatid.
"Nabalitaan ko yung nangyari kahapon." Paupo kami nang sabihin niya yon.
Napansin ko yung ulam bago ko pansinin yung sinabi niya. "Hoy, bunso at magaling kong kuya, ang mahal nitong ulam na hinain niyo rito ha!"
Sabi ko mag tipid pero itong mga ito laging mahal ang binibili.
"Eh Jeorin, minsan na nga lang tayo makakain ng masasarap na pagkain tapos--"
"Kuya, hindi ba masarap ang delata? Ang pansin canton oh kung ano pang mura na pagkain." Steak ba naman ang ihanda rito.
"Eh hindi naman tayo mahirap at nag hihirap kaya bakit kailangan pa nating mag tipid, sinisira mo ang mood ko Jeorin." Yan ba yung sinisira yung mood eh sarap na sarap nga siya sa pagkain at nakangiti pa.
"Ang sabi ni mama, kaya naman nating mabuhay na hindi mamahalin ang pagkain natin, eh kung ibinili mo nalang ng groceries yang ipinangbili mo riyan at itinulong sa mahihirap edi ilang mga taong mahihirap pa ang mapapakain mo sa price ng ulam natin, kuya, ang sarap mong sakalin sa totoo lang." Pinipigilan ko ang sarili ko magalit dahil nasa harap kami ng pagkain, kumain na ako e nandito na 'to eh.
"Minsan lang naman ate, ang Kj mo naman." Isa pa itong sulsolerang mukhang kuto.
Hindi naman kami mahirap, isang spy ang parents ko, malalaki ang sahod nila at actually isang beses sa isang taon lang namin sila nakikita.
"So let's move-on na sa ulam niyo hano, gusto lang sana kita balaan sa lalaking yon Jeorin, ayaw kong nakikitang sinasaktan ka ng iba dahil para na rin kitang kapatid at alam mo ang kaya kong gawin sa mga mananakit sayo." Sa sinabi niya ay nasamid ako na parang ikamamatay ko na.
Kung hindi niyo lang alam, parang isang assassin ang kaibigan kong ito pero low type lang ng assassin.
"Tara na Vribon, ihatid mo na ako..... At kayo, Qin at Ghorn siguraduhin niyo lang na mauubos niyo yan at kung sakali mang may tira wag niyong tatangkaing ipakain sa aso ng kapit bahay, nagkakaintindihan ba tayo?!" Habang nag sasalita ay nakaturo ako sa cctv na pinakabit ko rito sa bahay, at pareho silang naubo.
"Ang lakas ng loob mong pagalitan at tawagin ako sa pangalan ko--"
"Bakit Ghorn, angal ka ba? O gusto mong ipost ko sa f*******: ang epik picture mo?" Yon ang palaging panakot ko sa kaniya sa
Tuwing malapit na akong matalo over them, over him, well, sikat siya sa school niya as pogi raw (eww) kaya naman inadd ko lahat ng mga students sa school niya para wala siyang laban sa akin.
"Fine, lumayas na nga kayo, sirang sira na umaga ko."
Lalo talagang gumaganda ang araw ko kapag nakikita kong naasar ang mga kapatid ko, they're my number one enemies kasi.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school at agad na umalis si Vribon.
"You are Jeorin right?" Isang babae ang agad na lumapit sa akin at maganda ito.
"A-ako nga, bakit?" Hindi ako makangiti dahil naiinsecure ako sa kagandahan niya.
"Can i ask you a favor?" Habang nag tatanong siya ay may dinudukot siya sa blazer niya.
"Ano yan?" Isang papel ang ipinakita niya sa akin at ipinahawak sa akin
"Love letter ko kay Phergon, sabi kasi nila kaya mo raw lumapit sa kaniya, mahiyain kasi ako, i want you to give it to him and you don't need to mention me dahil there's my name inside naman and you know, he knew me, nahihiya lang ako."
Laglag panga ako sa babaeng ito, alam ko namang alam niya rin na gusto ko ang lalaking gusto niya dahil kalat na nga sa school pero nag lakas loob pa rin siyang lapitan ako? The crazy woman.
"Yeah, I'm not sure kung tatanggapin niya ito dahil alam mo naman kung gaano kaiwas sa babae yon--"
"Correction, sayo lang." Singit pa niya.
Akala mo naman pinansin na siya, ni wala nga akong nakikitang babae na nilalandi ni Phergon eh.
"Ihampas ko sa mukha mo 'to eh..." Bulong ko sa sarili.
"What? May sinasabi ka?" Kunwari pa siya, alam ko namang narinig niya.
"Wala, ang sabi ko gagawin ko ang lahat para masilip niya itong sulat mo."
"Mas masaya." Ngumiti siya na parang mapupunit na yung pisngi niya sa sobrang wide.
Poker face akong tumalikod sa kaniya at saktong papasok na ako sa building ay nakita ko si Phergon pero may babaeng lumapit sa kaniya at niyakap siya pero hindi naman niya binack hug.
"Stop sending me your foods dahil hindi masarap." Sabi niya sa babae at nanlumo ito.
Grabi talaga yung bunganga niya pero hindi pa rin ako susuko sa kaniya.
Tumakbo ako papunta sa pwesto nila at hindi makapaniwalang nakatingin ang mga kaibigan niya sa akin.
"After what happened yesterday?"
"Courageous."
Hindi ako nag sayang ng oras, inabot ko sa kaniya yung sulat nung babae kanina at tinabig niya lang ito.
Akala ba niya titigil ako, sa paulit ulit na set up namin ngayon ay nauna siyang sumuko, kinuha na niya ang sulat and galit na nakatingin sa akin.
"Ano 'to? Love letter nanaman na mali-mali yung capitalization or sorry letter na may halong love letters?" Itinaas lang niya ito at kulang nalang i crumple ito.
"Hindi naman sa akin--"
"Nako bro, buksan mo nalang, para matapos na."
"Oo nga, i want to sit na."
Aish, yung tahimik niyang tropa nag sisimula na ring mag salita at mukhang naiinfluence na siya ng dalawa.
"Fine, kapag hindi ko nagustuhan ang laman nito titigilan mo na ako."
"Pero hindi nga kasi--"
The heck, pag open niya ng letter ay nanlaki ang mga mata namin dahil isang picture ang laman nito. Halatang edit ito pero sinong hindi magugulat na yung mukha niya inedit sa katawan ng lalaking naka-boxer lang.
"What is the meaning of this?!" Kulang nalang lumabas ang eyeball niya sa sobrang inis.
Napalunok ang mga kaibigan niya lalo na ako at yung babaeng nandito kanina ay umalis na.
"Let me explain--"
"What a horny lady, umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong sumabog ako at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Nanginig ako sa banta niya.
Gusto ko mang umalis pero nanginginig ang mga tuhod ko. "Pero hindi ako ang--"
"Umalis ka na Jeorin, iba magalit yan." Yung isang tropa niya ang humila sa akin at patulak na pinapaalis sa pwesto nila.
"Bro, edit lang naman..."
Hindi ko na narinig pa ang sinasabi ng mga kaibigan niya sa kaniya, basta nakayakap ako sa sarili ko na nag lalakad patungo sa room namin.
Sino ba ang babaeng yon, bakit nagawa niya ang bagay na yon sa akin.
"Ahm, Jeorin okay ka lang ba?" Someone's talking to me pero dire-diretso lang ako sa paglalakad.
Anong gagawin ko.
Anong gagawin ko.
Anong gagawin--
"Ms. Jeorin." May siya'ng biglang humatak sa akin na muntik kong ikatumba buti na lamang ay inalalayan ako nitong humila sa akin.
"Okay ka lang ba, Ms. Jeorin?" S-si sir Eilgo, ang batang prof namin na kasing edad lang namin.
Tumango akong wala sa sarili.
"I think you're not--"
"Okay lang po ako sir, maiwan ko na kayo." Iniwan ko na siya sa pwesto niya at nag patuloy sa paglalakad sakto lang din dahil nandito na ako sa room.
"Hoy Jeorin, linisin mo nga ang classroom, kay aga-aga ganito madadatnan namin."
Ang classroom namin ay puno nanaman ng vandelism, yung board may nakasulat na idiot girl JEORIN Tapos sa mga table rubbish lady at kung anu-ano pang nasty words na ako palagi ang tinutukoy.
"Ano bang kasalanan ang nagawa ko sa school at--"
"At tinatanong mo pa yan ha? Alam mo naman kung gaano kasikat ang lalaking Phergon na yon tapos ang lakas ng loob mong lumapit doon, edi malamang buong babae sa school na'to ang makakalaban mo." President naming babae na puro makeup lang ang alam.
"Pasensiya na kung nadadamay kayo, lilinisin ko na muna rito, pumunta muna kayo sa Gym." Kumuha na ako ng mga gamit na pwede kong magamit sa pag bura ng mga sulat.
Hays,Gusto ko mang mag reklamo at manlumo pero wala akong karapatan dahil hindi ko inaalam ang kalalabasan ng ikinikilos ko.
"Let me help you." May kung sino nanaman ang nangingialam sa akin at inagaw pa itong hawak kong alcohol.
"Ako na wag ka na---- s-sir?" Si sir Eilgo nanaman ang siyang kumakausap sa akin.
"We're friends, so call me Eilgo." Aniya sabay smile bago mag simula.