"Saan mo ba ako dadalhin?" hinihingal na tanong ni Sab. Sobrang bilis at laki kasi ng mga hakbang ni Zach. Tumigil si Zach atsaka humarap kay Sab. "Kakain lang tayo," aniya. Pero biglang napakunot ang noo niya nang makitang namumutla si Sab. "Are you, okay?" nag-aalalang tanong niya. "Ang bilis mong maglakad. Hinihingal ako," ani Sab. "Sorry," aniya na noo'y binagalan na ang lakad. Inakbayan niya sai Sab atsaka niya ito inalalayan sa paglalakad. "Para naman akong may kasamang lola nito," natatawang sabi niya. Napangiti si Sab sabay siko sa tagiliran niya. Medyo napuruhan siya nang kaunti kaya napangiwi siya sa sakit. "Grabe, mukhang naka-recover ka na nga. Nananakit ka na naman, eh.” Natawa lang si Sab. Walang imik si Zach habang pinagmamasdan si Sab na noo'y sarap na sarap sa pagk

