Matapos kumain, sabay na naglakad sina Zach at Sab sa open field. "Sama ka muna sa akin may ibibigay ako sa'yo," ani Zach na noo'y lumiko na papunta sa kotse niya na nakaparada malapit sa opisina ng lolo niya. Napahinto si Sab atsaka tumingin sa kanya. Kunot ang noong nilingon niya ito. “What?” tanong niya. Pero hindi pa rin tuminag si Sab kaya nilapitan niya ulit ito. Inabot niya ang kamay nito atsaka niya ito hinila papunta sa kotse. "Ano ba kasi 'yon, ha?" ani Sab na noo'y pilit kumakawala sa pagkakahawak niya. "Basta," sagot niya. Ibinukas niya ang pinto ng kotse atsaka niya inabot ang supot na nakapatong sa upuan. “Ano ‘to?” ani Sab nang inabot niya ang supot. “Tingnan mo,” nakangiting sabi niya. Sinilip ni Sab ang laman ng supot. Gamot at inhaler iyon para sa asthma na may pi

