Nang makalabas sila sa classroom agad na bumitaw si Sab sa pagkakahawak kay Zach. Hindi na nagulat si Zach sa ginawa ng dalaga. Expected na niya na 'yon. Pangiti- ngiti lang siya habang binubuntutan niya ang dalaga. May nasasalubong silang mangilan-ngilang estudyante na napapangiti lang sa kanila. Pero bago pa sila makarating sa building kung saan naroon ang clinic. Nakaisip ng kalokohan si Zach. Umakto siya na kunwaring tatakas kaya agad na hinablot ni Sab ang kamay niya. Kapwa namilog ang mga mata nila nang madama ang init ng palad ng bawat isa. Kapwa sila napasulyap sa kamay nilang mahigpit na magkahawak. Bumilis ang t***k ng puso nila. Pero ni isa sa kanila walang ibig bumitaw. "Holding hands while walking?" biro nang isang estudyanteng nakasalubong nila. Parang napapasong agad na na

