Ang kaninang masamang timpla ni Valerio ay mas lalo pang pumakla dahil sa panghihimasok ko. Nagbabanta 'yon ng panganib kaya tinangka agad akong dakpin at kaladkarin ng mga hitman niya para palayasin. "Sinabi ko bang alisin niyo siya sa harapan ko?" Pinakawalan nila ako sa hudyat ni Valerio. "You've been disrespecting me in front of my own men, Samantha. Do you realize the graveness of your actions?" "Hindi ito ang panahon para mag-away tayo. Kailangan tayo ni Massi—" Pangahas siyang bumunot ng patalim at pinalipad 'yon isang sentimetro mula sa leeg ko; sa sobrang lapit ay muntik nang tumarak sa leeg ko ang punyal, naputol no'n ang ilang hibla ng buhok ko at nadaplisan ng talim ang leeg ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nagdurugo ang sugat ko. "This is your final warning. Kapag

