
Sabi nila, kaya raw tumatakbo ang oras dahil kailangan daw natin ipagpatuloy ang buhay. Gawa rito, gawa doon. lakad dito, lakad doon. Hindi pwedeng magpahinga kasi ang oras, patuloy na tumatakbo. Kailangan natin patuloy hanapin ang purpose natin sa mundong ibabaw. Tapos kapag napagsilbihan na daw natin ang mundo, titigil ang orasan.Pero what if, matagal na palang tumigil ang oras? Hindi lang namalayan kasi abala sa buhay.Ito ang kwento ni Jhaz Samper, isang cancer survivor. Para sa kanya, matagal ng tumigil ang oras, mag mula noong nakilala niya si Kit Manapat
