Chapter 47

2113 Words

Chapter 47 Gabi nang makauwi ako sa bahay. Sinundo ako ni Kuya Vince sa gate ng subdivision. Hindi daw kasi pwedeng ipakilala si Zake kay Mommy dahil masama daw ang awra nito. "Ngayon mo pa talaga naisip na umalis." Sabi ni Kuya Vince bago kami pumasok sa bahay. "Hindi ko alam na uuwi si Mommy ngayon." Unti-unti naman niyang binuksan ang gate namin. Hinayaan niya akong unang makapasok bago siya sumunod. "Nasaan si Joy?" Tanong niya. "Hindi niya ako sinipot." Simpleng sagot ko. "Kaya nandoon si Zake?" Bulong niya. Napatingin naman ako sa kaniya. Nakapamulsa ito at seryoso ang mukha. "Akala ko ba alam niyo?" Tanong ko. "Alam ko, hindi ko naman alam na sasabihin mo sa kaniya kung nasaan ka." Sabi niya at nilagpasan na ako. Dire-diretso siyang pumasok sa main door. Sumunod naman ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD