Chapter 46 "Amielle! Almusal na!" Sigaw ni Kuya Vince sa labas ng pintuan ko. "Susunod na!" Sagot ko pabalik. Inayos ko ang aking shoulder bag at ang paldang suot. Walang pasok ngayon dahil christmas break kaya naman napag-isipan namin lumabas ni Joy. Nagpaalam naman ako kay Kuya Vince at maluwag niya akong pinayagan. Although, kahit alam kong ayaw ni Kuya Vic na lumalabas akong hindi sila kasama ay napayagan din naman niya ako basta uuwi nang maaga. Since that incident happened. I realize, our relationship little by little changes. Pagkababa ko ay nakita kong naghihintay sila Kuya Vince at Kuya Vic sa hapag. Umupo ako sa aking pwesto at saka nag-lagay ng pagkain sa aking pinggan. Tunog lamang ng mga babasaging pinggan at kubyertos ang iyong maririnig. Napabuntong ako nang hininga. "M

