“What did you do while waiting?” tanong ni TJ, halatang puno ng interes. “Aside from what I did with the steak… nag picture ako, updated my blog, and had a chat with Reign.” Inisa-isa ko ito gamit ang daliri ko at tyaka natawa. “Naging productive pala ako habang naghihintay.” He looked amused. “I’m glad you weren’t bored.” “Ako? Mabo-bored?” Itinuro ko ang sarili ko. “TJ, baka nakakalimutan mo ang pangalan ko.” I was able to call him TJ out loud. Nakita ko naman ang paglawak ng ngiti sa kanyang labi. “You have a blog?” Mabilis akong tumango at na-excite sa topic. “Yup! Aside from reading, I also love to write! June B. ang pen name ko and my blog’s June Between the Lines--” Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa pagkabigla. Wala pang isang minuto’y ang dami ko nang naisiwalat sa sarili

