Huminga ako nang malalim bago kami nagpatuloy sa mga prutas. Dito naman muling nagsalita si TJ. “What’s your favorite fruit?” Muntik na akong matawa kasi ngayon lang may ibinatong ganito kasimpleng tanong sa akin. “I’m really not a fruit person pero siguro kung papipiliin ako, I’d prefer pineapple. Pero ayoko lang ang pineapple sa ulam. Ikaw ba?” Naalala ko bigla ‘yong isang eksena noong Pasko. “Oo nga pala’t saging ang favorite mo!" “It’s less complicated to eat on your own,” sabi niya habang namumula ang tainga. Hindi niya siguro inasahang natatandaan ko pa ito. Tumango-tango ako dahil may punto naman ang sinabi niya. Nakakatuwa dahil parang sa simpleng paggo-grocery namin ay mas nakikilala pa namin ang isa’t isa. Sa meat and seafood department naman kami sunod na nagpunta. “Dit

