Naging mahirap para sa akin magtrabaho buong araw dahil sa sinabi ni Gianna ngayong umaga. I’m not sure if I should feel bad about it. Base kasi sa kanyang sinabi, hindi sila naghiwalay ni TJ on bad terms. Mahal nila ang isa’t isa noon pero nauwi pa rin sila sa hiwalayan. Kaya nga patuloy pa rin siyang umaasa na posible pa silang magkabalikan. Hindi ko man nalaman ang buong detalye, siguro naman hindi ako masisisi ng iba sa takot na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong ipagtapat kay TJ ang nararamdaman ko. And naturally, we will be in a relationship – this will be my first relationship. Paano kung mangyari rin sa amin ang nangyari sa kanila ni Gianna noon? They were together for almost five years, love was present, but they still ended up broken. Huminga ako nang malalim. Kailangan ko

