TJ: Can we have dinner tonight? Text ni TJ ang bumungad sa akin paggising ko ng umaga. And it was a text message he sent at five in the morning. Naalala ko tuloy nang iwan ko siya sa opisina ko kagabi. Sana ay hindi sumama ang loob niya dahil hindi ko siya ginising. Sana ay maintindihan niyang kinailangan ko pa ng oras para iproseso ang lahat. Natakot lang akong baka hindi ko pa pala kayang sabihin ang sagot na gusto niyang marinig mula sa akin. I was just suddenly so overwhelmed again. Kaya nga ang aga-aga’y napa-video call ako kay Sunny. Sinabi ko sa kanya ang drunk call sa akin ni Gianna at ang pagpunta ni Ate Lea rito sa resort. Maging siya ay nagulat sa sunod-sunod na pangyayari kahit na busy siya sa pagpili ng damit na susuotin ngayong araw. Paano’y ang sabi niya sa akin, pupun

