“Anong nangyari?” tanong ko sa mga empleyado ni TJ na mukhang takot na takot pumasok sa loob ng conference room kaya naabutan ko sa labas. May isang lalaking natulak sa harapan ko. Mangiyak-ngiyak nitong sinabi sa akin ang problema. “Nanakawan ako ng laptop kagabi. Nanduon ‘yong presentation na gagamitin namin bukas.” Nanginginig ang kanyang boses. Ang malas naman niya. Pero hindi ko siya masisisi dahil ako nga itong minsan nang na-holdap ang bus na sinasakyan. “Wala ba kayong back up? Hindi ka nag-save sa flash drive? What about the file you sent TJ last night?” Umiling siya nang paulit-ulit kaya napasabunot ako sa buhok ko. Kahit ako’y nai-stress sa nangyayari. “Akala ko rin okay na pero hindi pala successfully sent ‘yong file kagabi. Nag-retry pala dahil sa internet connection. Hi

