Chapter 17

1727 Words
ANG PAGTANGGAP ko sa panliligaw ni Spon, ay siya ring maraming pagbabagong naganap sa aking buhay. Isa na sa mga ito ay ang pagtupad ng mga pangarap ko noon na akala ko’y sa panaginip ko na lamang mararanasan. Pero nagkamali ako, nararanasan ko na ang mga ’yon sa totoong buhay. Hindi ko minsan pinangarap na magpaligaw, nakain ko ang mga salita noong nasa high school pa lamang ako. Pero hindi maiwasang mag-alala sa maaaring mangyari. Baka malaman ni mama na nagpapaligaw ako. Patay talaga ako sa nanay kong iyon, baka masabunutan ako at mapalayas sa amin. Problemadong-problemado ako habang nakatulala sa kawalan. Hindi ko na pansin ang ingay na nangyayari sa aking paligid— gawa ng aking mga kaklase na hindi na maintindihan ang kaguluhan. May naghahalakhakan saka nagsisigawan. Mga kaganapan sa tuwing wala kaming klase. Napansin ako ni Gwen na wala sa sarili at nakatulala. Kaya naman agad siyang lumapit sa akin, at tinanong ako. Hanggang sa nakaharap na silang tatlo nina Berlin at Lyn. “Sabihin mo sa amin ang problema mo, Lumi,” ika ni Lyn, habang nakatitig nang mataman sila sa aking tatlo. Binutong nilaang upuan sa aking harapan at umupo roon. Bumuga ako nang malakas na hangin, animo’y pasan na pasan ko ang buong mundo. “Pumayag na ako sa panliligaw ni Spon.” Hindi sila nagsalita, natulala at hindi alam kung ano ang sasabihin. Nababasa ko ang gulat sa kanilang mga mata. Pumikit ako saka humugot ng hininga sa aking dibdib. Pakiramdam ko'y gulong-gulo na ang isipan at hindi na alam kung paano makalulusot sa padalos-dalos kong desisyon. Nagsusumamo akong tumingin sa kanilang tatlo. “H-hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako sa maaaring mangyari.” Kalmadong hinawakan ni Gwen ang kamay ko. Ang suporta at pag-aalala ay naroon sa mga mata niya. Pero nangingibabaw ang kasiyahan para sa akin. “Day, suportado kami. Masaya kami para sa iyo. Payo lang, huwag ka lang padadakip sa mga magulang mo, kung ganyan kakomplikado sa side mo,” ani niya, sabay ngiti. Tinapik naman ni Lyn ang balikat ko. “Masaya kami para sa iyo. Kung ano man ang magiging desisyon mo’y nandito lang kami.” “Kapag pina-iyak ka niyang Spon, kami ang bubugbog sa kanya! Gawan ko siya ng kilay na pagsisihan niya, o kaya kalbuhin ko!” natatawang litanya ni Berlin, sabag yakap sa akin. Napangiti na lamang ako. Kahit papaano nawala ang mabigat na nararamdaman ko dahil sa mga sinabi nila. “Salamat. Nandyan kayo palagi para palakasin ang loob ko,” wika ko, habang binibigyan sila ng titig na puno ng pasasalamat. Niyakap nila ako nang mahigpit saka naghalakhakan na parang mga baliw. Real friends really saved you from misfortunes of life. * SUMASAKIT ang likuran ng leeg ko pagkasing kinaumagahan. Mabigat ang pakiramdam at parang may nakabara sa aking lalamunan at ilong. Bumahing ako ng dalawang beses, parang tinutusok ang ulo ko ng maraming karayom. “Mukhang sisimunin at lalagnatin yata ako.” Agad akong bumangon sa kama at pinilit na kumilos. Kailangan kong tapangan ang pakiramdam ko, para malabanan ang sakit na nagbabadyang lamunin ang buong sistema at katawan ko. Habang naagsasaing ng kanin at iniinit ang iniinit ang ulam ay naligo ako. Baka saklai no'n ay mawala ang init sa aking katawan. Naalala ko ang takbo ng usapan namin ni Spon kagabi sa chat. Sa hinuha ko’y seryoso talaga siya sa intensyon niyang ligawan ako. Pero kailangan ko munang pag-aralan ang lahat ng mga ikikilos niya. Kung totoo ba ang lahat nang mga ’yon, o sadyang ginagamit niya lamang ang mga magagandang salita. Pagkatapos kong magbihis ay kumain agad ako. Sunod no’n ay uminom ako ng gamot para maagapan ang sakit ng ulo. Sa buong maghapon ay pinilit kong makinig sa klase. Hindi tumalab ang gamot na ininom ko kanina. Maging ang tatlo kong kaibigan ay hindi maiwasan ang mag-alala. Gustuhin ko mang umuwi para matulog pero hindi ko magagawa. Kailangan kong tapusin ang klase, sa pag-aalalang mahuli sa kaalaman na maaari kong matutunan sa mga araw na iyon. Ngunit wala naman akong naintindihan sa mga tinuro ng professors namin. “Hatid ka na namin, ’day. Ang sama ng timpla ng mukha mo, oh.” ani ni Gwen, habang magkasalubong ang kilay. Agad namang tumango ang dalawa na nasa aking kanan. Hindi na ako komontra at tumango na lamang. Hinatid nga ako nina Gwen hanggang sa harapan ng aking boarding house. Binilinan pa muna nila akong magpahinga at uminom ulit ng gamot. Natawa ako sa reaksyon nila. “Kita mo, tinawanan tayo,” nakasimangot na sabi ni Berlin habang nakataas ang kilay. “E, kasi kayo, parang mamatay na ako sa mga bilin niyo.” “Nag-aalala lang kami sa iyo, Lumi. Sige na pumasok ka na at matulog. At kami'y uuwi na rin,” seryosong litanya ni Lyn at ngumuso. Tinuturo ang boarding house na nasa aking likuran. “Oo na, salamat sa inyo. Mag-iingat kayo.” Ngumiti silang tatlo at tinapik ako sa aking balikat. Hinintay muna nila akong makapasok sa loob, bago nila nilisan ang lugar na iyon. Masaya akong may mga kaibigan akong tulad nila. Pagkarating ko sa aking silid ay hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon. Agad akong nagbihis at nahiga para matulog. Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tunog ng aking android phone. Pinilit kong tumayo para tingnan iyon na nakapatong sa aking mesa. Gumewang pa ako kaya't madali akong humawak sa kanto. 10 messages from Spon. Alas sinco y medya na nang hapon, at kalahating oras na pala akong nakatulog. Hinahanap niya ako kung bakit hindi ako makapupunta sa drill. Hindi ko pala nasabi sa kanyang masama ang pakiramdam ko. Agad akong nag-reply sa kanya. Pagkataposkong ma-send, ay uminom ako ng tubig. Napasabunot ako sa aking ulo nang mapansing wala na pa lang laman na tubig ang blue water jag ko. Muling tumunog. Tiningnan ko ang reply ni Spon. Spon: Nasaan ka? Pupuntahan kita. Me: Nasa BH. Lalabas din ako ngayon para bumili ng tubig. Spon: Sige, salubungin na kita sa plaza. Samahan kita. Hindi na ako nag-reply muli sa kanya at agad na akong nagbihis. Nagsuot ako ng hoddie jacket at pajama. Hindi na sinayang ang oras at kinuha ang wallet saka lumabas ng aking silid. Bitbit ang water jag habang nilalamig ay nilabanan ko ang paglalambot ng aking tuhod, habang binabaktas ang Rosas de Papel Street, papunta sa plaza. Nang malapout na ako sa kalsada ay agad akong nag-text kay Spon— tinatanong kung nasaan siya. Spon: Diyan ka lang sa pwesto mo. Ako na pupunta diyan. Hinanap ko siya sa buong paligid. Sa tulong ng street lights na naroroon ay nakita ko siya sa hindi kalayuan. Simpleng-simple siyang lumakad papunta sa aking kinatatayuan. Suot ang pink T-shirt at cargo pants. Walang pako-alam sa kung anoman ang suot niya, habang kaliwa't kanan ang tingin niya sa mga sasakyang dumaraan. Tumawid siya sa pedestrian lane, at tinawid ang aming distansya. Ngumiti siya pagkakita sa akin. “Hi.” “Hi.” Napangiti na rin ako kahit na wala ako sa mood. Sinipat niya ang noo ko. Pagkayapos na malaman kung ano ang kalagayan ko'y bumuntong-hininga siya. Inayos ang hoddie ng jacket kong suot, para mas matabunan pa no’n ang aking ulo. “Sana sinabi mo sa akin na may sakit ka kanina, kundi ako na ang bumili ng tubig para sa iyo.” Kinuha niya ang water jag na hawak-hawak ko, saka mabilis hinawakan nang mahigpit ang aking kanang kamay. “Ah, Spon. . .” “Hawak lang, mushroom. Walang mawawala.” Pagkasabi niya no'n ay agad niya akong marahang hinila sa pedestrian lane papunta sa kabilang kalsada. “Saan ka bumibili ng tubig?” tanong niya habang pilit akong pinapalapit sa kanya, wari bang pinoprotektahan sa mga taong nakakasalubong namin. Madilim na rin ang paligid, pero hindi iyon hadlang dahil sa tulong ng mga street lights. Kitang-kita ko ang salubong na kilay niya habang matigas ang ekspresyon sa mukha. Hindi ko alam kung galit ba siya o wala sa mood. Bigla akong nakaramdam ng hiya. “H-hindi mo naman ako kailangang samahan. Kaya ko, Spon.” Mas hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay at nilingon ako, nagsalubong ang aming mga mata. “Huwag kang makulit, mushroom. Hayaan mo akong alagaan at ingatan ka.” Sa mga oras na iyon ay para bang nilamon ang buong sistema ko. Nkalutang sa mga ulap habang paulit-ulit na sinasariwa sa pandinig ang mga binitiwang katagang iyon ni Spon. Parang mas lalagnatin pa yata ako sa kilig. Tahimik kaming bumili ng tubig. Habang naghihintay na mapuno ay nakatitig lamang sa akin si Spon. Titig na nnakamamatay dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Nang makabayad na kami'y hinawakan niya ulot nang mahigpit ang kamay ko. “Spon, ako na ang magdadala niyan.” Pilit lonng inaagaw sa kanya ang water jag na may laman ng tubig. Nilingon niya ako saka sinamaan ng tingin. “Isa pa, Lumi. Ako na, huwag kang makulit.” Pagkatapos niyon ay hindi na ako nagpumilit pa at napatango na lamang. Pero sa kaibutuean ng puso ko'y hindi maiwasang ngumiyi, dahil sa pinapakitang pag-aalala niya sa akin. Tumungo kami sa mga nagtiyinda ng street foods. Bumili siya ng buknoy na apat at saka palamig. Tumungo kami sa plaza at pinakain ako. “Pasensya ka na, hindi kita mabibili ng mga sosyal na pagkain sa ngayon. Iyan na lang muna, ’yan nakayanan.” Ngumiti ako saka tumango. Nagniningning ang mga matang tinitigan siya. Nakaupo kami sa isang bench habang nagmamasid sa mga taong naroroon din sa plaza. “Magaling ka bang kumanta?” tanong ko bigla sa kanya. Natawa siya— isang malutong na tawang nakahahalina. “Hindi ako magaling, pero marunong lang.” “Pwedeng sample?” “Sige, basta huwag kang tatawa.” Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at pinatong ang aking ulo sa kanyang balikat. Nagsimula siyang kumanta ng hindi naman pamilyar sa akin. Kalmado ang boses niya, na nakapagpagaan ng loob. Hinimas niya ang aking ulo saka tinabing ang ilang hibla ng aking buhok at inipot iyon likuran ng aking taenga. “Spon?” “Hmm?” Naputol ang kanta niya dahil sa pagtawag ko. Napatitig ako sa buknoy na kinakain. “Bakit ako? Bakit hindi sila?” tanong ko, habang tensyunado, kinakabahan sa maaari niyang sagot. “Dahil hindi ikaw sila, mushroom.” Napangiti ako dahil doon. Isa mang maaarimg gasgas na kung ituring na sagot, pero malaki pa rin ang epekto no'n, lalo na sa lalaking dama ang emosyon sa bawat salitang binibitawan. “Salamat.” Sa aking pagpikit ay ang pagdampi niya ng kanyang labi sa aking buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD