NGITING-NGITI ako habang nagliligpit ng aking mga gamit para pumasok na sa paaralan. Kaunting sinat na lamang at kaya ko na rin ang aking katawan. Epektibo yata ang gamot na iyong halik sa ulo ni Spon.
Umaga pa lang ay nakatanggap na ako ng mensahe galing sa kanya.
Spon: Get well soon, mushroom. Iyong gamot mo, ha.
Ganafong-ganado akong pumasok, mukhang walang iniindang kaunting kirot sa aking ulo. Sanaay tuluyan na talaga akong gumaling para hindi makakaapekto sa pag-aaral ko.
Pagkapasok ko sa silid ay agad akong sinalubong ng tatlo. Sinipat ako ni Gwen, mula ulo hanggang paa. Si Berlin naman ay panay ang kilatis ng kanyang kanang kamay sa aking leeg at noo, habang si Lyn at iiling-iling na nakangiti.
“Ano ba kayong dalawa. Mukha kayong praning,” sita niya sa dalawa na mukhang wala yatang balak tantanan ang pagsuri sa akin.
Pinaikot ni Berlin ang mga mata. “Duh, nag-aalala lang kami rito kay Lumi. Kahapon ang sama ng pakiramdam tapos pumasok pa ngayon.”
Sinamahan nila akong tumungo sa aking upuan. Wala pa ang professor namin kaya't may oras pa kaming mag-tsismisan.
“Day, ayos ka na ba? Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong sa akin ni Gwen.
Umiling ako bilang sagot. “Hindi na, medyo ayos na ang pakiramdam ko.”
Pagkarinig sa sinabi ko’y naging maliwanag ang kanilang mukha.
Halos buong hapon ay abala kami sa klase. Nagpaalam na ang tatlo sa akin na mauuna silang umuwi. Hindi ako nalasabay sa kanila dahil may practice pa ang mga participants para sa zumba.
Puminta kaming lahat sa dome at sinimulan nang i-finalize ang mga positions namin at ang transitions sa music. Hinati-hati kaming lahat, kung sino ang mauuna munang mag-perform, at sino ang sunod na grupo, hanggang kami nang lahat sa huling set.
Naligo ako sa pawis dahil sa ilang ulit na pagsayaw. Pakiramdam ko ay nawala ang sakit ng ulo, gumaan ang pakiramdam. Sumandal sa pader para mapahinga ang katawan.
Maingay ang buong paligid. Pero hindi iyon ang dahilan para maaburido ako at mainis. Sanay na ako sa mga maingay, pero hindu ako sanay sa mataong lugar. Kaya't nagsusumiksi ako sa isang sulok para hindi makita ng mga naroroon.
Naramdaman kong nag-vibrate ang aking cell phone na nasa bulsa ng bag na katabi. Kinapa ko iyon sa loob at kinuha.
Isang mensahe mula kay Spon. Hinahanap kung nasaan ako, sa isang iglap nilamon na niya ang buong sistema ko at hindi na pinansin kung ano ang sa paligid. Agad akong nag-reply, pagkatapos ay bumalik ulit sa practice namin.
Ilang beses ulit kaming umulit bago kami pinauwi ng aming trainer. Sinukbit ko na ang aking bag sa likuran, at inayos ang nagulo kong buhok dahil sa hataw nang paggalaw kanina.
Palabas na ako ng dome nang may lumapit sa aking lalaki— si Spon. Dinama niya ang aking noo gamit ang kanyang kanang kamay.
“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong niya, habang inaaalalayan akong makalabas ng dome.
Sumabay siya sa aking paglakad. “Ayos na ang pakiramdam ko. Sa palagay ko ay dahil iyon sa lumabas na pawis sa practice.”
Tumango siya. “Mabuti kung ganoon, mushroom. Kumain ka nang marami ha, bumawi ka.”
Ngumiti ako bilang tugon sa kanya. Nang papaliko na sana ako sa may isang bench ay bigla niyang hinawakan ang aking braso.
“Pwede mo ba akong samahan kumuha ng pera?” Nakiki-usap ang mga mata niyang pumayag ako.
“Sige, samahan kita.” Ang sagot na iyon ay ang rason kung bakit mas lumawak pa ang kanyang ngiti sa labi.
Pumunta nga kaming palawan pawnshop. Naupo ako sa isang waiting area, habang siya ay nagfi-fill up ng form. Panay ang tingin niya sa akin, habang nakangiti. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga naroroon: mga matatanda at ang ilan ay mga estudyante rin.
Nang mapasa niya na sa counter ang ID at form ay tumabi siya agad sa akin.
“Pasensya na, inabala pa kita.”
Umiling ako. “Wala iyon. . . Wala pa naman kasi akong gagawin sa boarding houase.”
“Lumi, tungkol sa sinabi mong hindi payag ang mga magulang mo na may nanliligaw sa iyo. Bakit mo ako pinayagan, kung ganoon ang inaalala mo?”
Naikwento ko na kasi sa kanya ang sitwasyon ko. Iyon ang tanong na hindi ko alam kung ano ang magiging sagot. Hanggang ngayon ay naguguluhan din ako sa padalos-dalos kong naging desisyon. Pero kung anoman ang magiging resulta ay maluwag kong tatanggapin.
Nagsalita siya ulit nang hindi ako nakasagot agad. “Saka mo na lang sagutin.” Ngumiti siya pagkuwan.
Itinikom ko ang aking bibig saka tumango. Mayamaya ay tinawag na rin ang pangalan niya. Pagakaraan ng ilang sandali ay nakatayo na siya sa aking harapan. Malawak pa rin ang ngiti habang nakatitig sa akin nang mataman.
Bakit ang cute niya? Nawawala na naman ang mga mata niya at parang natutulog.
“Punta muna tayong tindahan.”
“Huh? May bibilhin ka ba?” usisa ko.
Hinawakan niya ako sa aking braso at inalalayan na makatawid sa kabilang kalsada papunta sa loob ng tindahan.
Pumasok kami sa loob at nagpunta sa nagtitinda ng mga prutas at gulay.
“Ano’ng paborito mong prutas? Orange? Apple? Grapes?” baling niya sa akin.
Biglang nang-init ang aking pisngi. Parang nilamon ako ng lupa. “N-naku, hindi na, Spon.”
Hindi niya ako pinakinggan at kumuha na ng limang piraso ng orange at limang piraso ng apple.
“Iyan lang po manong, salamat.”
Tahimik lamang ako sa kanyang tabi habang pinapasadahan siya ng tingin. Naka-hoddie jacket siya ng kulay gray, fitted jeans at sneakers. Hindi ko napansin ang suot niya kanina, bagay pala ang mga pormahan na ganito sa kanya. Parang sarap iuwi at yakapin na lang buong araw.
Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa aking kamay at pinahawakan ang isang plastic, kung saan iyon na ang binili niyang prutas.
Magsasalita na sana ako pero naagaw ng aking atensyon ang malakas na buhos ng ulan sa labas.
“Hala! Umuulan. . .” nausal ko, nabahala na hindi ako makauwi agad. At nag-aalala para kay Spon, dahil malayo pa ang boardkmg house niya.
Hinila ako ni Spon papunta sa isang bangketa ng tindahan. Pumunta kami sa boutique section. Pinagtitinginan kami ng mga nakasasalubong namin.
“Tinitingnan nila tayo. . .” usal ko habang nakahawak sa braso ni Spon. Magkasalo kasi kami sa iisang payong na kabubukas ko lang.
Inakbayan niya ako at mas dinikit sa kanya. Hindi ko man bibigyan ng malisya ay parang ganoon na nga. Dumada-moves siya! Tsansing!
Pero hindi ko alam kung bakit hinayaan ko siya at napapangit nang palihim. Parang may kung anong kumikiliti sa loob-loob ko at gustong lumabas.
Tumigil kami sa isang upuang gawa sa kahoy. Karinderya yata iyon, kaso wala na roon ang nagtitinda.
“Dito muna tayo umupo sandali, habang hinihintay nating tumigil ang ulan.”
Tumango ako saka naupo. Tumabi siya sa akin at isinara ang payong. Ramdam na ramdam ko ang hangin na nagyeyelo sa aking balat. Sa bawat dampino'n ay nagpapalambot ng aking tuhod at maging kalamnan.
“Okay ka lang, mushroom?” tanong niya nang mapansim ang pagkabalisa ko.
Nag-thumbs up ako sa kaya bilang tugon. Dumaan pa ang ilang sandali at paunti-unti nang umuuwi ang mga nagtitinda, hanggang sa iilan na lamang ang natira. Malakas pa rin ang ulan, at mukhang walang balak na tumigil.
“Spon, paano ka nito? Paano ka makauuwi?” Nababahala ako sa maaring mangyari sa kanya kung sakaling susuungin niya ang ulan, baka pareho sa akin ay magkasakit siya.
Nakita ko ang pagdaan ng ningning sa kangang mga mata. Kumamot siya sa kanyang batok, saka umiwas sa akin ng tingin. Pinagmasdan niya ang ulan sa labas.
“Bahala na. Basta ang mahalaga ay maihatid kita nang maayos at ligtas.”
Nang medyo mahina na ang buhos ng ulan ay napilitan kaming suungin ni Spon. Hawak-hawak naming dalawa ng mahigpit ang hawakan ng payong— na siyang pomoprotekta sa akin. Ang kanan niyang kamay ay nakayakap sa akin, wari bang pinoprotektahan ako para hindi mabasa ng ulan. Samantalang siya'y parang hindi na naabot ng payong.
Lakad-takbo ang ginawa namin hanggang sa makarating kami sa harapan ng gate.
“Salamat ulit, Spon. Hiramin mo na iyang payong.” Pagkasabi ko no'n ay mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.
Para hindi na niya ako matanong kung bakit ko iyon ginawa ay mabilis akong pumasok sa gate nang may malawak na ngiti sa labi.
Spon. . . binabaliw mo ako!