. NAPANGITI ako sa alaalang iyon. Hindi ko maiwasan ang kiligin sa oangyayari, siguro parte na talaga ng buhay ang mga alaalang sariwa at alam mong hindi mo makalilimutan kahit ilang taon pa o dekada ang lumipas. Mga masasayang alaala na hinding-hindi pagsisihan sa huli. Tanaw ko na ang BH ni Spon, agad akong nag-text sa kanya na malapit na ako. Pag-angat ko nh aking tingin, sumalubong sa akin ang malapad niyang ngiti. Ang ngiting nakawawala ng pagod sa buong araw, iyon ang nagsisilbing enerhiya ko sa tuwing mawalan ako ng lakas. “Lumi!” tawag niya sa akin, saka kumaway. Napailing na lamang ako habang papalapit sa kanya. Agad naman niya akong inalalayan papasok sa kanilang boaeding house. Sa loob, sumalubong agad sa akin ang mapanuksong mga ka-boardmates ni Spon: sina Kuya Jess, K

