Chapter 54 “Ang tagal ninyong bumaba? Hindi na kayo nakasabay sa pagkain ng umagahan? Mukhang sino-solo ka talaga ni Alex, ha Robin?” Napatingin siya kay Khia nang marinig niya ito. Naglalalakad sila ni Alex palapit sa mga ito na sa tingin niya ay nagkakatuwaan dahil sa naririnig niyang mga pagtawa kanina. Naroon din ang kaniyang kapatid, si Sayah at pari na si Maxis, Nathalia at si Prince Nathan. “Ang bibig mo, Khia.” Saway ni Daemon sa katabing si Khia. Hindi niya ito napansin kanina nang iginala niya ang paningin niya sa mga taong naroon. Nang tumayo ang kaniyang kapatid at lumapit sa kaniya ay kinuha nito ang kaniyang kamay at hinalikan. “Kamusta ang pakiramdam mo, Callie?” sabi ni Hexus at nang bitawan nito ang kaniyang kamay ay lumapit naman ito kay Alex. “Dapat ko na bang

