Chapter 55 Hindi mapakali si Hermiliah sa kanilang silid ni Alex, isang buong araw na itong hindi bumabalik sa zone 3 at wala rin siyang balita rito kung saan ito nagpunta. Nang tanungin niya si Marcus at si Johnny na nagbabantay sa labas ng ng silid nila ni Alex ay wala rin siyang makuhang impormasyon sa mga ito. “Bakit ba ayaw ninyong sabihin sa akin kung nasaan si Alex? wala ba akong karapatan na malaman iyon? Hindi ba at ako ang reyna ng mga bampira at lumalabag kayo sa tungkulin ninyo bilang tagapagbantay ko. Tungkulin ninyo rin na sabihin sa akin kung saan pumupunta ang asawa ko.” Sabi niya kay Marcus at Johnny na nasa labas ng kanilang silid ni Alex. Narinig ni Hermiliah ang mahinang pagtawa ni Marcus at nang tingnan niya ito ng masama ay tumaas lamang ang mga kilay nito sa

