Chapter 42 Nakatanaw lamang si Robin sa labas ng bintana ng silid niya. Alas tres na ng hapon at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Alex. Ang sabi ng kapatid niya kanina ay inaasahan nitong maaga ang pagbabalik ng hari ng bampira dahil alam nito kung ano ang oras ng tapos ng seremonya. “Robin.” Napatingin si Robin sa nagsalita. Nakita niya si Khia na nakatayo sa harapan ng pinto ng kaniyang silid. Nang pumasok ito at lumapit sa kaniya ay hinawakan nito ang kaniyang mga kamay. Mukhang alam nito ang dahilan kung bakit ganoon ang itsura niya. Nakikita niya sa mga mata ni Khia ang pag-aalala habang nakatingin ito sa kaniya. Umaasa siya na makakabalik si Alex bago sumapit ang tanghalian ngunit hapon na ay wala pa ito. Mukha ring hindi ito makakauwi ngayong araw. Ngumiti siya

