Chapter 41 “Bakit mukhang napapadalas ang pagpunta mo rito, babaeng bampira?” Nakangiti ng mapang-asar si Khalia kay Liah nang makita niya itong naglalakad palapit sa kinaroroonan niya. Narito siya ngayon a labas ng gusali ng kanilang lugar. Umalis si Gandalf ng maaga upang tingnan ang mga tauhan nila sa silangan. Marami na ang nauubos sa kanilang tauhan at ikinabahal iyon ni Gandalf. “Kailangan ko ng tulong mo.” Sabi nito sa kaniya. Napaangat ang kaniyang mga kilay sa sinabi nito. Malakas ang naging pagtawa niya. Noong una kung makatingin ito ay akala mo mas magaling at malakas sa kaniya ngayon ay humihingi na ito ng tulong! Hindi alam ni Khalisa kung ano ang nangyari at mukhang desperado na ang babaeng bampira. Akala ba niya ay nakuha na nito ang hari ng mga bampira? Bakit ngay

