Chapter 40 Nakatingin lamang si Alex sa labas ng bintana ng silid niya. Nasa labas si Marcus at Johnny upang magbantay. Sa wakas ay natapos na rin ang seremonya at makakabalik na siya sa lugar ng mga diwata. Hindi siya mapakali dahil ilang linggo na niyang hindi nakikita si Robin, nais na niyang malaman kung ano ang kalagayan nito. Ngayon na hari na siya ng mga bampira ay mas magiging malawak ang sakop ng kaniyang kapangyarihan. Makakahanap na siya ng paraan upang makahanap ng paraan upang magising ito at muli silang magkasama. Naniniwala pa rin siya na muling magigising si Robin at magkakasama sila. Nang makarinig si Alex ng mga katok sa pinto ay napalingon siya doon. Nang bumukas ang pinto ay nakita niya si Johnny na pumasok. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo?" tanong nito sa k

