Chapter 39 Nang makabalik si Robin sa kaniyang silid ay naiwan lamang siyang mag-isa doon. Sinabi niya kay Khia na tatawagin na lamang niya ito sakaling mayroon siyang kailanganin. Si Callia ay kausap si ang kaniyang kapatid na si Hexus tungkol sa isang importanteng bagay, marahil tungkol iyon sa kanilang mga magulang. Nahiga siya sa kama at tumingin sa itaas ng silid na iyon. Hindi na siya makapaghintay na muling makita si Alex. Nais na niya itong makita muling at makausap. Pangalawang araw na, inaasahan niyang ito ang unang makikita ngunit nabigo siya. Ngayon ay kung ano-anong mga bagay ang pumapasok sa isipan niya na ayaw niyang isipin. Itinaas ni Robin ang kaniyang kamay na may singsing. Kusang lumabas muli ang singsing na iyon na ibinigay ni Alex. “Miss na miss na kita...”

