Chapter 6
Hindi sumagot si Khia sa pagtawag sa kaniya ni Daemmon ibinalik lamang niya ang tingin kay Robin at muling pinunasan ang ilang nalaglag na luha sa mga mata. Simula nang hanapin nila si Robin ay palaging nasa kaniyang tabi si Daemon at hindi siya iniiwan sinisigurado rin nito ang kaniyang kaligtasan.
“Lumabas na muna tayo dito sa silid, Maxis, maaari bang mag-usap tayo?” tanong ni Aleister.
“Iyon dinang gusto ko, may mga bagay akong nais na sabihin.” Sabi ni Maxis.
Nang nawala ang mga nilalang sa silid na iyon ang natira lamang ay siya si Daemon at ang tatlong mga diwata. Nang mapatingin si Khia sa tatlong mga diwata at ngumiti siya sa mga ito. Nakita ni Khia na lumipad ang mga diwata upang ayusin ang mga bulaklak na nakapaligid kay Robin.
“Kung hindi ko alam na nalason ang mahal na prinsesa aakalain kong natutulog lamang siya.” Sabi ni Lixa.
Napatingin si Khia muli kay Robin.
Oo nga, parang natutulog lamang siya.
“Alam ninyo po mahal na bampira—
“Khia, tawagin mo akong, Khia.” Sabi niya sa isang diwata.
“A-Alam ninyo po Khia, gabi-gabi ay umiiyak noon ang mahal na prinsesa. Napakabigat po sa kalooban marinig ng pagtangis niya habang binabanggit ang pangalan ng susunod na hari ng mga bampira.” Sabi ni Liva.
Hindi rin naman masisisi ni Khia si Alex kung sobra ang galit na nararamdaman nito sa prinsipe ng tharbun. Inilayo nito si Robin sa kanila, kahit na matagal na ang nangyari iyon at kahit na humingi pa ng tawag ngayon si Nathan sa kanila at kay Alex hindi na nito maibabalik ang pag-aalala at kaba nila nang mawala si Robin sa kanilang poder.
Noon ko lang nakita kung paano kabahan si Alex, at hindi magiging maganda ito dahil nakaabang na naman ang mga nilalang na nais pumalit sa kaniyang puwesto.
Nang mawala si Robin at kunin ng mga black wizards ay nakita niya kung paano mawala sa sarili si Alex. Nakita niya kung paano magwala ito sa kanilang harapan at kung paano pumaslang ng mga nilalang na sagabal rito.
Para siyang halimaw, halos hindi ko na makilala.
Napatingin muli si Khia kay Robin. Napangiti syia sa tuwing maaalala niya ang malalapit na tagpo ng dalawa. Nakikita niya ang pagiging malapit ng mga ito sa isa’t-isa at saksi siya kung paano mamula ang mukha ni Robin sa tuwing may gagawin si Alex.
Gumising ka na, Robin, balik ka na sa amin, please? Ayokong nakikitang nagkakganito si Alex.
“Huwag kang masyadong madaldal Liva, pero opo, totoo po ang nangyaring iyon. Nakakaawa po talaga ang mahal na prinsesa. Halos hindi po kami nakakatulog sa tuwing maririnig namin ang pagtangis niya. Parang sinasaksak po ang puso namin sa tuwing maririnig siyang umiiyak,”
“Lalo na na nang kinailangan naming hindi magpakita sa kaniya, nahuli na po kasi kami noon ng mga kawal at ng punong tagapangasiwa ng mga katulong na nakikipag-usap sa mahal na prinsesa tungkol sa labas ng kastilyo, ipinagbabawa po kasi iyon. Mabuti na lamang at naisipan naming mmagbantay na lang sa mahal na prinsesa ng patago bilang mga diwata.” Sabi ni Lica.
“At sa nakikita po namin sa susunod na hari ng mga bampira, totoong pagmamahal ang mayroon siya sa mahal na prinsesa, ang tunay na lalakeng nagmamahal ng sobra ay hindi mahihiyang ipakita ang luha niya sa lahat. Nakita namin ang katapangan ng susunod na hari ng mga bampira, nakita namin kung gaano niya kamahal ang mahal na prinsesa.” Sabi ni Lixa.
Alam ni Khia na hindi hahayaan ni Alex na ang mga kawal lamang nito ang kumilos habang nawawala si Robin. Ang pagmamahal ni Alex kay Robin ay sobra at sa nakita niya noon alam niyang hindi ito titigil hangga’t hindi nito napupuntahan ang lahat ng lugar sa lost world para lamang makita si Robin.
“Oo, mahal na mahal ni Alex si Robin, kahit pa noong nasa mundo kami ng mga tao. Doon kasi naninirahan si Robin noon, mga tao ang nagpalaki sa kaniya at ang mga ito ang kaniyang itinuring na totoong pamilya, nakilala ko lamang si Robin nang mapunta siya sa bahay nila Alex,”
“Noon pa man ay pinoprotektahan na siya ni Alex, at sa tuwing mapapahamak si Robin dahil sa isang hunger vampire at palaging nariyan si Alex upang iligtas siya. Nakita ko kung paano nila mahalin ang isa’t-isa. Kaya’t hindi ko maintindhan, bakit kailangan pang mangyari nito? Gayong iisa lang naman pala ang kagustuhan ng prinsiper ng tharbun at ni Alex? At iyon ay ang protektahan si Robin.” Sabi niya.
Hindi nagsalita ang mga diwata sa kaniyang sinabi. Alam niyang doon sa kastilyo nakatira ang mga ito at tiyak na kilala ng mga ito ang prinsiper ng tharbun.
“Iyon din ang hindi namin maintindihan, hindi lamang nalaman ni Prinsipe Nathan na nasa poder ng susunod na hari ng mga bampira ang mahal na prinsesa.” Sabi ni Liva.
Ngunit para kay Khia imposibleng wala itong alam. Alam ng mga black wizards ang tungkol sa kanilang lugar sa mundo ng mga tao, at kung ang mga black wizards na ito ay tauhan ng isang maharlika alam ni Khia na hindi ito basta-basta papasok sa teritoryo ng ibang nilalang.
“Nais niya talagang ilayo si Robin sa amin—kay Alex na kasintahan nito. Hindi niya inalam manlang kung nasa masama bang kamay si Robin. Ni minsan ay hindi namin pinabayaan si Robin.” Sabi niya.
Ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda ngunit dahil sa nangyari ay napalitaan na ng ibang interpretasyon sa kaniyang isipan ang prinsiper ng tharbun.
“Ngunit bilib ako sa pagmamahal ni Alexander sa mahal na prinsesa. Nakita namin kung paano siya lumuha, kung paano niya buhatin ang mahal na prinsesa nang malason ito. Kakaiba at sobra ang pagmamahal, ito ang unang beses na nakatunghay ako ng ganito. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha, at nang halikan niya kanina nag mahal na prinsesa sa mga kamay at sa labi ay kitang-kita mo sa kaniyang mga mata ang labis na pagmamahal.”